Chapter 4 - Roof Deck

20.5K 999 190
                                    

POV Sienna

Time: 8:00 AM (Saturday)


Meeting place namin ay sa roof deck ng dormitory building. Walang natutulog sa dorm during weekends at since si Herschel ang president ng student council, may duplicate siya ng lahat ng susi ng school rooms.


"Good morning!" bati ko kay Herschel at Kio pagdating ko sa roof deck, sabay lagay ng drinks sa ibabaw ng table. "Your Highness, eto na po yung pinag-uutos mo na softdrinks ang mineral water."


Tumango lang si Herschel sa akin. Walang utang na loob ang tarantado. Inutusan ako, wala man lang kahit isang thank you.

Sanay na din ko sa pagka difficult niya. Di ko sure kung bakit palagi siyang iritable siya sakin since day one na parang ako ang napaglilihian. Pero the feeling is mutual. Sobrang inis ko din naman sa kanya. In fact, kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko siya.


"Asan na yung dalawa? Kala ko kasabay mo si JC?" tanong ni Kio.

"Andun sa parking lot, nag-aaway na naman ata kung nauna ang chicken o egg," sabi ko at umupo sa tabing upuan ni Herschel.


He looked at me with disgust na parang may kulangot ako sa ilong. Madalas na nahihiya ang mga kababaihan kay Herschel dahil oozing siya with self confidence. Kapag tinitigan niya ang isang babae, it is either tatakbo ito or yuyuko, but not me. I looked at him straight in his eyes and met his piercing gaze. For seconds, we glared at each other as if we are mentally killing each other.

Tumigil lang kami sa aming imaginary death match nang umecho na ang sigawan ni Jordan at Sav habang pataas na sila ng hagdan. Unlimited talaga silang magbangayan.


"Settle down, kids," simula ni Hershel. "You have your own computers, mag research muna kayo about sa topic natin at mag brainstorming tayo about sa Hydrophonics after an hour. Sav, focus on the benefits and advantages. JC, focus ka sa disadvantages. Kio, dun ka sa improvement and development. Sienna, puntahan mo yung pina deliver ko na food sa baba after an hour."

"Teka, ano ko utusan mo?" tanong ko kay Hershel habang nakapamewang.

"VP kita, so yes utusan kita. Eto pera, ibalik mo yung sukli," sabay bigay ng ilang libong bills.


Inirapan ko na lang siya ng bonggang bongga at kinuha ang pera. Di kasi ako nag breakfast, medyo gutom na din ako. Kapag si Herschel pa naman ang nagpadeliver ng pagkain, galante.

Nagsimula ako mag research at di na ko sumagot pa, pero di nakaligtas ang mga condescending na tingin sa akin ni Herschel.


"Anong problema mo, Herschel Rivera? Bakit kanina ka pa nakatingin sa akin? May dumi ba ko sa mukha?" bulong ko sa kanya habang naka smile ng sobrang fake. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya sa sobrang gigil.

"Nabobother ako kapag may basura na nakakalat habang nagreresearch ako," mahina niyang sagot sa akin at nilapit din niya ang mukha niya sa akin. Kulang na lang ay magdikit ang ilong namin.

"Mukha ba akong kalat sa paningin mo, Mr. Perfect?"

"I don't know, Sienna. You tell me."

"Sabagay, ano pa ba aasahan ko sa isang perfectionist at narcissist na tulad mo? Di na ko magtataka kung magpakasal ka sa lalaki na carbon copy mo," bulong ko sa kanya while gritting me teeth.

"What are you trying to imply? That I am a fucking gay?"

"I don't know, Herschel. You tell me. Did I touch a nerve? Is your gayness a sensitive matter to be discussed with?"

"Ako gay? How low can you get, Sienna?" mahina niyang tanong at nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang chin ko.

"Napipikon ka na ba? Hahalikan mo ba ko to prove that you are not what I think you are? Hindi mo na mababago ang nasa isip ko. I know your sickening secret Mr. Perfect... Gay!"


He gritted his teeth and looked at me as if he wants to pulverize me. Alam ko galit na galit na si Herschel sa mga oras na ito. Everyone respects him sa buong school at dahil sa mga choice of words na ginamit ko, sigurado ko na umuusok na ang tumbong ng gagong ito.


"I won't kiss you, Sienna. That is a nauseating idea. No one in their right mind will kiss a garbage like you," sabi niya sabay bitaw sa chin ko.

"Alright, you won again. Herschel Gaylord Rivera," mahina kong sagot sa kanya habang tumatawa.




---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- CC Summers 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now