Chapter 17 - Industrial district

14.8K 682 17
                                    

POV Sienna

Time: 1:45 PM (Saturday)


Kinakabahan pa din ako mag drive dahil di ko alam kung may makaka salubong kami na zombies anytime. Sa loob lang ng maikling oras, zombie apocalypse chenes na.


"I knew that zombie girl. Yun yung ex-girlfriend ko na freshman student," sabi ni Jordan na naghahabol din ng hininga dahil sa kanyang close encounter.

"Tignan mo, kahit sa kamatayan hinahabol ka niya sa kasalanan mo!" sagot ni Sav.

"Babae, wag mo ko sisihin ah? Dahil sa aking skills, na distract ko yung mga zombies. Wag ka mag-alala, pag may chance, ikaw una kong ipapakain sa zombie."

"Hep hep hep. Lipat nga ko sa gitna niyo, baka magpatayan pa kayo ng wala sa oras. Sienna drive left pag labas mo ng main road. Dun tayo dadaan sa may Industrial District, less chance na may zombie horde dun," utos ni Kio.


For about a few minutes, binaybay namin ang road papunta sa Industrial District. Tama si Kio, walang tao sa lugar na to. Siguro dahil weekend kaya walang trabaho.


"Turn left again and drive slowly," sabi ni Kio nakatutok pa din sa laptop nya.


Si Herschel naman ay nakatingin din mabuti sa daan. Si Sav at Jordan naman ay nagmamasid kaliwa at kanan ng daan.


"Sienna, Stop! Stop stop!" sigaw ni Herschel.

"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya sabay apak sa preno.

"Remember the explosion earlier today? I think it came from this area. Can you see those moving shadows there at the right far side of the road?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa bandang unahan.

"Those are not shadows Herschel," sabi ni Kio lumapit sa windshield para titigan mabuti ang tinuturo ni Herschel.

"Yes, I think those are people from the explosion who turned into zombies. Mga ilan yan sa tingin mo, Kio?"

"Roughly fifty? Damn, we need to find an alternate route!"

"Teka, wait lang, mga chong. Hindi ko makita yung sinasabi niyo. Asan ba?" tanong ko kay Kio at Herschel na mukhang sila lang nagkakaintindihan.


Si Sav naman at si Jordan, wala pa din kibo at nakatingin sa magkabilang bintana.


"Alam ko bulag ka, pero derecho mo tingin mo sa road. Sa bandang kanan dun sa bandang dulo, dun sa may punong naka curve, may nakikita ka ba madaming itim na out of place?" tanong ni Herschel.


Tinitigan ko mabuti ang sinasabi ni Herschel at meron at least ten, twenty, no fifty or more na katao na naglalakad towards us. I think zombies sila pero burnt ang kanilang katawan.


"Fuck, zombies na ba yang mga yan?" tanong ko kay Herschel.

"I think so too. Let us get out of here. At dahan dahan ka magdrive, para kang Formula One driver sa bilis mo magpatakbo," inis na sabi ni Herschel sa akin.

"Ah sige po. Slowly but surely gagawin ko kasi wala naman zombie apocalypse na nangyayari sa ngayon!" sigaw ko habang nag rereverse ng direction.

"Wala akong sinabi na mag drive ka na parang pagong, ang sabi ko mag dahan dahan ka."

"Oo na, mahal na hari. May pag-uutos ka pa? Baka gusto mo may background music pa tayo para enjoy ang death defying adventure natin?"

"Can you just fucking drive? Go! Now! Ang dami mo pa sinasabi!"


Kung di lang ako nakasakay sa sasakyan na ito, ibabangga ko na ito dahil sa inis ko kay Herschel. Ginawa na nga ako driver, pinagmumukha pa akong alipin.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now