Chapter 19 - Greek Garden

16.1K 671 40
                                    

POV Herschel

Time: 2:30 PM (Saturday)


Di na kumibo si Sienna after nang pang-aasar ko sa kanya, pero kulang na lang masira ang steering wheel sa higpit ng kapit niya. Malamang tagos sa buto ang galit ng babaeng to sakin sa mga oras na ito.

Alam ko din na naiiyak na siya. Sa galit, sa inis or probably na offend sa sinabi ko. I want to comfort her, pero ma pride ang babaeng ito. She will just shout at me and we will start another argument.

Ang Greek Gardens subdivision ay medyo may kataasan. Shuttle service at private cars lang ang means ng transportation papunta dito. Pagdating namin sa main entrance, biglang bumagal ang pagmamaneho ni Sienna.


"Kio, paano gagawin natin, sarado ang gate? Maraming nakaharang na mga sasakyan. Paano na yan?" tanong ni Sienna kay Kio pagdating namin sa Greek Garden entrance.


May ilang sasakyan na naka harang sa entrance gate. Iniwan na lang ng mga owners o sadyang hinarang para walang makapasok.


"May sasakyan sa bahay namin. Pwede tayo dumaan muna doon. Gamitin natin yung kotse ko papuntang Saint Thomas Port," mahinahon kong sagot kay Sienna, pero inirapan niya lang ako.

"Che, limang malalaking villages ang nasa loob ng Greek Gardens. Saan kayo dun?" tanong ni Kio.


Greek Gardens Executive Subdivision is composed of small five villages. It is name is from the first twelve Titans of Greek Mythology. The first two villages are the Oceanus Garden and Tethys Garden. These two villages are composed of minimalist luxury townhouses.

The third and fourth villages are called the Hyperion Garden and Mnemosyne Garden, which are made of homogeneous elegant detached houses.

The fifth village is called the Cronus Garden and is the most sophisticated among the five villages. This village is composed of mansions with large land area.


"Sa Cronus Garden kami, yung pinaka last na subdivision. Doon din ang daan papunta sa shortcut. Medyo mahabang lakaran lang kung iiwan natin yung sasakyan dito," paliwanag ko kay Kio.

"Magsimula na tayong maglakad habang may araw pa. Ayokong ma stuck sa zombie apocalypse na kasama si Jordan," galit na sabi ni Sav.

"Wag ka mag-alala Sav, nasusuka na din ako kasama ka sa loob ng four-wheel drive ni Che! I need some air!" galit na sagot ni Jordan.

"Guys, wag kayong ma-away na apat na parang loveteam okay? Wala akong partner, out of place ako! Nakakaloka kayo! Tama si Jordan, magsimula na tayong maglakad," sabi ni Kio sabay kuha ng laptop bag niya.


Ako man ang nagsisilbing leader ng grupo namin, I trust some decision makings to Kio. Medyo late na at hindi advisable na magtravel sa city pag palubog na ang araw. Kio is probably planning to stay in our house for this night.


Ang gate entrance ng Greek Gardens ay isang modern black horizontal steel gate. Walang security guard or kahit sinong tao sa entrance. Sarado din ang pedestrian gate.

Nauna ko umakyat ng gate at sumunod si Kio. Walang choice si Jordan kundi alalayan si Sav sa pag-akyat. Wala din naman ako choice kundi alalayan si Sienna pagbaba. She remained quiet at mukhang masama pa din ang loob sa sinabi ko.


Am I such an ass to her? Yes, I think so...


Alam ko na malakas akong mang-asar sa kanya, pero medyo sumobra ata ako sa sinabi ko dahil ngayon ko lang nakita na ganito si Sienna. Siguro dahil nanganganib na ang buhay namin, pero mas pinipili ko pa din na maging rude sa kanya.


"Che, I thought this is an executive subdivision. Bakit walang bahay? Bakit puro puno at halaman lang?" tanong ni Sav sakin habang iniikot ang paningin.

"This is the Greek Garden main road. Approximately one kilometer pa bago pa natin ma reach yung first village, yung Oceanus Garden," sagot ko sa kanya.


Mula sa main entrance, walang bahay na matatanaw kundi mga puno at halaman lang. Tanaw na namin mula sa main road ang malaking part ng city dahil mataas ang location ng Greek Gardens.


"Che, yung totoo? Gaano kalayo yung Cronus Garden dito? Baka abutin tayo ng dilim," tanong ni JC habang naglalakad kami.

"Sa bahay muna tayo nila Che magstay ngayong gabi. Pagdating ng umaga, mas madali na tayo makakaalis. I don't think it would be wise na umalis kapag madilim na," sabi ni Kio.


Tulad ng inaasahan ko, mas prefer niya mag travel bukas kaysa ngayon. Lahat naman ay pumayag sa sinabi niya dahil sooner or later, magdidilim na. Delikado kung abutan kami ng dilim sa daan.


"Sino kasama mo sa bahay, Che?" tanong uli ni Sav.


Si Sienna naman, tahimik pa din. Ilang ulit ko siya tinitignan pero naglalakad lang siya ng nakayuko. Gusto ko siya hilahin palapit sa akin para yakapin ko, but that would be a dick move after hurting her.


"Wala ako kasama sa bahay. Ako lang nagluluto ng pagkain ko. May dumadating na caretaker ng bahay every Monday at Thursday kaya hindi naman mabigat ang paglilinis ko sa bahay," paliwanag ko kay Sav.

"Nag-iisa ka din pala. Alam mo, ako nakatira ko sa auntie ko, kasi bata pa lang naulila na ko. Kaso palagi na lang sila nagpapa rinig na pabigat ako sa kanila. Sa inyo na lang kaya ako tumira para may kasama ka?" tanong ni Sav.

"Hoy babae, di ka papatulan ni Che. Umayos ka nga, zombie apocalypse na puro ka pa din landi," galit na sabi ni JC kay Sav.

"Hoy, Jordan, hindi ako malandi. Close lang ako sa mga boys at marami naging boyfriends, pero hindi ko binibigay ang katawan ko kahit kanino. Ikaw ang dapat nakakaalam niyan dahil ikaw ang nakauna sakin!" sigaw ni Sav.


This is interesting. My theory is indeed correct. Siguro nga playgirl si Sav, pero si JC lang talaga ang lalaking minahal niya.


Si JC naman ay palagi ko na nakakasama dahil magkaibigan ang parents namin. Naikwento na ata niya lahat ng mga escapades niya sa mga chicks, except about kay Savannah. It is like he is protective of her kahit wala na sila.

Dahil sa sinabi ni Sav, nagkatinginan lang kami bigla ni Sienna. Mabilis naman niyang binawi ang tingin at inirapan ako.

It is true that Savannah has this reputation of being a bitch, pero never ko nafeel sa kanya na gusto niya ko landiin. I think she just want some attention and to find true friends.


"Guys, tone down your voices. Alam niyo naman na attracted sa sound ang mga walker or zombies," saway ni Kio kay Sav at JC.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon