Chapter 28 - Bathroom

15.7K 621 27
                                    

POV Sienna

Time: 7:00 PM (Saturday)


Ang second floor ng bahay nila Herschel ay all white din ang color tulad ng kanilang first floor. Tatlo lang ang kwarto sa taas. Isa sa parents niya, isa sa kanya at yung isa ay guest room. Hinila ko ni Herschel papasok sa kwarto niya at sobrang linis din.


Gay talaga itong lalaking ito! Sobrang linis ng kwarto!


"May mga unused plain shirts at shorts ang mother ko. You can use it. I will wash your clothes para may magamit ka bukas," sabi ni Herschel sabay bukas ng pintuan ng bathroom.

"Thanks for your hospitality. Mas prefer ko din yung version mo na sinasapian ng anghel kaysa demonyo," bulong ko sa kanya pagpasok ko sa loob ng gigantic bathroom niya.


Yung totoo? Bathroom ng isang luxury hotel suite ba ang pinasukan ko?


"Is that so? Am I an angel now? Baka nakakalimutan mo, you are inside my lair. I can do everything I want to you," nakangiti niyang sagot sabay sara ng pintuan. He locked it as if saying I can't get out now.

"Do I look scared to you, Herschel? Hindi ko din nakakalimutan ang sinabi mo. You told me that you won't fuck me even if I am the last girl on earth. So pwede lumabas ka na? Gusto ko na maligo para makapag luto na ako ng dinner!"


Herschel just smirked at me at lumabas ng bathroom. I locked the door at sumandal sa pintuan. He's giving me mixed signals.


Nag zombie apocalypse lang, naging flirtatious na siya! Kaloka!


Pagkatapos ko maligo, nasa labas na ng bathroom si Herschel at nakaupo sa kama niya. Mukhang bagong paligo din siya. He probably used the other bathroom sa room ng parents niya. Nakataas ang kilay niya sa akin as if he detests na nakatakip lang ako ng towel.


"May problema ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng bagong paligo?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng shirt at shorts na carefully folded sa ibabaw ng kama.


Meron din brand new underwear at mukhang ka size ko ng katawan ang mommy niya. Alam ko walang girlfriend si Herschel sa school, pero nabalitaan ko din na nagkaroon siya ng relasyon sa ibang students sa ibang school.


Wait lang! Parang sabi ni Jordan kanina may girlfriend ang lalaking ito. Tama ba yung narinig ko?


"Nagpapatawa ka ba, Sienna? Ano tingin mo sa akin? Virgin? Walang experience?"

"Ano tingin ko sayo? Sa linis ng kwarto mo, I think alam mo na kung anong tingin ko sayo!"


He gritted his teeth at biglang tumayo sa pagkakaupo sa kama. Akala ko lalapit siya, pero bigla siya tumalikod sa akin. He clenched his fists na parang gusto ko sa sapakin sa mga oras na ito.


"Magbihis ka na, nagugutom na ako. Bilisan mo baka kung ano pang maisipan kong gawin sayo!"


Maisipan gawin sa akin? Bakit parang biglang uminit ang paligid dahil sa huling sinabi ni Herschel?


Pumunta ko sa bathroom para magbihis. Bumaba na kami ni Herschel agad para magluto ng dinner dahil pareho na din kami gutom. Yung mata ni Jordan, kulang na lang ay lumuwa sa pagkakakita sa amin dalawa.


"Sabay kayo naligo?" tanong sa akin ni Jordan sa amin habang papunta kami sa kitchen.

"Wwhat? No! Nag zombie apocalypse lang, sabay na agad kami maligo ni Herschel?"

"Aba, malay ko ba sa inyong dalawa. Malay ko ba kung anong nangyari sa inyo sa second floor. Shen, would you like me to help you sa dinner?"

"No offense, bro pero ilang zombies ang humawak sayo. Maligo ka muna. Alam mo naman siguro yung kwarto ko. Bahala ka na pumili ng damit doon."


Pag-alis ni Jordan, nagsimula akong magluto. Si Herschel naman ay parang isang spectator na nanunuod sa isang cooking show. Nanunuod lang siya at wala man lang balak ako tulungan.


"Ikaw ba ang nagluluto ng pagkain mo sa bahay niyo?" tanong ni Herschel habang gumagawa ako ng Egg Corn soup.

"Wala naman ako kasama madalas sa bahay kaya ako na bahala sa pagkain ko. Marami ako alam na recipe dahil tinuruan ako ng kuya ko. Aside from hotel management, nakatapos din siya ng culinary arts."

"Yeah, I know your brother. He is making news here and in Australia."

"After ng graduation natin, pupunta na ako ng Perth, Western Australia. Si kuya naman ang dito mag wowork. Ikaw, nasaan ang parents mo?"

"My father and Jordan's father are good friends. Jordan's father is a military general while my father is a scientist in Aquinas Island. He is the overall in charge with the experiments for military advancement."

"Like biological weapon? Like a killer virus that can turn humans into zombies?"

"Sienna, my father's work is related to cutting-edge guns, state-of-the-art armors and weapons. No, he did not start this zombie thingy if that is what you are thinking. He is more of an engineer than a nerdy scientist."

"Ahhh kaya pala rich kid ka. Marami talaga pera pagdating sa mga ganyang pioneering innovation."

"Sienna, I know your parents owned a luxury hotel and resort in Perth. Hindi mo kailangan maging humble. Kilala ko ang kuya mo na si Blare Ramos. That guy is fucking rich."

"Tulad ng sabi mo, kuya ko siya. Magkaiba kaming dalawa."


He just smiled at me habang patuloy ako na nag preprepare ng dinner. Naliligo na malamang si Sav, Kio at Jordan. Hindi hygenic na kumain kapag may traces ng zombie blood sa katawan.


"Sienna, one more thing..."

"Ano yun, Herschel?"

"I want you to sleep in my room."


Sleep in his room? Is he asking me to share the bed with him?


"Wwhat? Ano na lang sasabihin nila kapag doon ako natulog? Are you out of your mind?"

"You can sleep in my room together with Savannah. Kio and Jordan can stay in the guest room. Doon na lang ako matutulog sa room ng parents ko. What are you exactly thinking? Akala mo ba pinapatulog kita sa tabi ko?"

"Malay ko ba. Nag zombie apocalypse lang, naging harot ka na sa akin," bulong ko sa kanya.

"Because there is no way you can win if I am playing these types of games," he said while gazing at me.

"Games huh?" bulong ko sa kanya.


Pinaglalaruan pa rin pala ako ng tarantadong ito hanggang ngayon and he is right, talunan ako sa mga ganitong laro niya. I can't even throw him any proper rebuttals.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now