Chapter 20 - Oceanus Garden

15.1K 678 49
                                    

POV Herschel

Time: 2:50 PM (Saturday)


Ilang minuto ang lumipas at natatanaw ko na ang gate ng Oceanus Garden. There are scattered cars everywhere, parang may nagbanggaan sa tapat ng gate. Napatigil ako bigla nang makita ko ang mga ilang tao na naglalakad sa may tapat ng gate.


No, hindi na sila tao, they are zombies.


"Do you think we can outrun those three walkers?" JC asked me as we hide in a nearby bush.

"After Oceanus Garden, pataas ng ang road papunta sa Tethys Gardens. Mahihirapan tayo makipag takbuhan sa kanila," paliwanag ko sa kanya.


Kung mabagal na zombies sila, may chance kami, pero kung mabilis na zombies tulad nung delivery man sa school, we don't stand a chance.


"Yung isa naipit sa kotse at di makaalis. Yung isa medyo malayo. Problema lang natin yung nasa gitna ng daan, medyo malaki yung katawan. Ready ba kayo na labanan sila?" Kio asked us.


Umagree naman ang lahat. Napag kasunduan namin na dahan dahan lapitan yung zombie na may malaking katawan. Mabagal siya maglakad at medyo may pilay. May sugat yung binti niya na parang kinagat ng isa pang zombie.

Papalapit na kami sa zombie kaso sakto naman, natalisod si Sienna at tumama sa kotse na biglang tumunog ang alarm.


Fuck! Hindi ko dapat binibitawan ang babaeng ito eh!


Napatingin ang dalawang zombies sa direction namin at biglang lumakad ng mabilis towards us.

Kio wasted no time and used his wooden rod. Hinampas niya sa binti yung isang zombie. Kinuha ko kay Sienna ang baseball bat at hinampas ang damaged leg ng zombie para di na makatayo. I felt disgusted with myself for hurting the zombie, pero tama si Kio, it is us or them.


Mabilis na nakalapit ang isa pang zombie pero kinuha ni JC ang ceramic knife niya at sinaksak ito sa dibdib. Kaso hindi ito tumalab sa zombie at biglang hinablot ang kamay ni JC at gusto kagatin. Hawak hawak ni JC ang buhok ng zombie para hindi siya makagat. Lalapitan ko sana siya para tulungan pero naunahan na ko ni Savannah. She did not hesitate at hinampas ng baseball bat ang ulo ng zombie.


"Thank you, Sav, that was close," sabi ni JC na napasandal sa isa sa mga sasakyan.

"Don't mention it," sagot ni Sav at naglakad palayo kay Jordan.


Susundan sana ni Sienna si Sav, pero hinawakan ko ang braso niya. Inirapan niya ko at hinila ang braso niya, but I did not let her go.


"Clumsy ka masyado. Dito ka lang sa tabi ko," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Pwede ba, bitiwan mo ko, Herschel!"

"Stop resisting, Sienna. Tandaan mo, kasalanan mo kung bakit muntik ng makagat ng zombie si JC."

"Malay ko ba na matatalisod ako. Hindi ko naman alam na may alarm yung kotse."

"Exactly! You are a liability in this team at hindi ako papayag na ilagay mo kami sa panganib."


This time, I pulled her closer to me at tinitigan siya sa mata. All I can see is anger from her eyes. Galit na galit pa rin siya sa akin. Sooner or later, makakatikim ako ng sampal sa babaeng ito.

Hindi na siya kumibo at patuloy kami naglakad habang nakahawak ako sa braso niya.


"Guys, hurry up! There's a horde coming this way!" biglang sigaw ni Kio habang tinuturo ang gate ng Oceanus Gardens sa di kalayuan.


There are around twenty zombies walking towards the gate. Narinig siguro nila ang alarm. Though mukhang nakasara naman ang gate, we don't know if it can stop this amount of zombies at once.


Mabilis kaming tumakbong lima kahit pataas ang daan. Kahit mabigat ang backpacks ko, hindi ko binibitawan si Sienna. Alam ko na pwede siyang madapa dahil palagi siyang lumilingon sa likod.


"Ang bilis mong mag drive, ang bagal mo naman tumakbo," sabi ko sa kanya habang tumatakbo kami.

"Wag mo ko kausapin, Herschel Rivera. Ayoko kitang kausap."

"Dahil sa sinabi ko na I will not fuck you kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo?"

"Bobo ka ba? Di ba sabi ko ayaw kitang kausap? Can you keep your mouth shut?"

"Wag ka ng magalit. Nakakaubos ng energy yan, Sienna."

"Hindi ka nakakagalit Herschel, nakakapoot ka!"


Nginitian ko lang siya to lighten up the mood. Kahit di niya aminin, napikon na talaga siya sa akin kanina... 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon