Chapter 6 - Zombie Apocalypse

18.4K 842 57
                                    

POV Herschel

Time: 9:10 AM (Saturday)


*Bbbboooooooom Bbbboooooooom Bbbboooooooom*


Bigla akong kinabahan nang may marinig akong pagsabog. Sa tagal ko na nag-aaral sa Redwood High, walang instances ng kahit anong gulo.


"What the fuck is that?" sabi ko sabay tayo sa upuan.


Tanaw na tanaw namin ang buong Aldridge City sa roof deck dahil ang Redwood High ay located sa isang mataas na part ng bundok.


"May sunog ata sa city! Tignan niyo yung usok," turo ni Sav.

"Hindi sunog lang yan, possibly a terrorist attack. Tignan niyo yung usok, ang dami at kalat kalat, mostly kilometers apart," dagdag ni Jordan.


Terrorist attack sa Aldridge City? That's not possible...


Ang Aldridge City ay isang imaginary city na setting ng aming zombie apocalypse story. Tulad ng Busan sa South Korea, napapalibutan ito ng bundok, pero ang western part ay malapit sa dagat. Ang Aldridge City din ay ang ciudad na pinaka malapit sa military base ng buong bansa. Tanga lang ang mag-aattempt ng terrorist attack dito.


"Guys, I think you have to see this. That is not a terrorist attack," sabi ni Kio na tinuturo ang videos sa laptop.


"The Zombie Apocalypse has begun. This is a live telecast from New York City wherein citizens are infected with a mysterious virus, making them rabid."


"The whole city of Paris is now in chaos. It seems like a deadly virus is quickly spreading through a single bite, turning them into what we call zombies."


"The case of the mysterious zombie virus was first observed in five different cities. Seoul, Istanbul, Paris, New York and Los Angeles all at the same time. No one knew how it started and the government is conducting a mass evacuation."


Zombie Apocalypse? Parang Resident Evil na may halong Walking Dead sa mundo ng World War Z?


Bago pa ko makapag-isip, isa na namang dumadagundong na pagsabog ang naganap.


*Bbbboooooooom Bbbboooooooom Bbbboooooooom*


"OMG! What is that? Bakit parang super close lang?" Sav shouted na biglang napakapit sa mga braso ko.

"Asan si Sienna?" nag-aalala kong tanong kay JC.


I can't help but to worry about her. Matalino si Sienna pero ang tanga tanga sa ibang bagay. She's very clumsy at kung wala ako, ilan beses na sigurong nadapa ang babaeng yun.


"Che, di ba inutusan mo si Shen na kumuha ng food sa labas?"


Fuck! Sienna plus zombie apocalypse equals chaos!


"Pupuntahan ko siya sa parking lot. Kio, find out more about this zombie shit. Sav, lock this door, bababa kami ni JC," utos ko sa kanila.


Di naman umangal si JC at sumunod sakin pababa ng stairs. Nang marating namin ang entrance ng dormitory, I asked him to stay.


"Lock mo yung entrance ng dorm, wag kang magpapapasok ng kahit sino. Hintayin mo kami ni Sienna. Call your dad, he's in the military right?"

"Bro, hanapin mo si Shen at mag-ingat ka. Kasalanan mo pag nangyaring masama sa kanya," nag-aalalang sabi ni JC.


It is understandable na mag-alala si JC kay Sienna dahil magkababata sila. Hindi din lingid sa akin na special ang treatment niya kay Sienna. Tinignan ko lang siya at kumaripas ng takbo papunta sa North Section.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon