Chapter 95 - Corny

10.3K 366 13
                                    

POV Sienna

Time: 1:00 PM (Wednesday)


Warning: Charot! Wala ng warning! Eto na eh, this is it! 


After ng seryosong usapan ng mag-ina, we decided to take our lunch sa loob mismo ng Charles Aldridge warship. Mukhang nabunutan ng tinik ang mommy ni Herschel dahil bumalik na ulit ito sa pagka jolly.


"May ipapadala ako sayo na isang container box. It contains some gadgets that you can use and a ballistic vest that was invented by your father. Parang Kevlar vest na mas lighter. Meron din medical gauze with enhanced skin regeneration power na pwede gamitin ni JC para mabilis na gumaling ang sugat niya," excited na sabi ng mommy niya habang kumakain kami ng lunch.

"Mom, how about the cure? Is there a cure for the RE Virus?"

"I am working on it now, but the cure will be useless if there is an advanced version of RE virus that can turn someone into a horrendous monster. I need to capture Doctor RE alive and extract the evolved virus from her to generate a new cure."

"You are really confident that I can do that? Tingin mo kaya kong gawin yun?" nakangiti na tanong ni Herschel sa mommy niya.

"Che, if you will ask me personally, ayokong papuntahin ka dun. Ikaw ang nag-iisang baby ko, but your father knows all of the trainings that you had for the last couple of years. Alam ko na pinaghandaan niyo ni JC and Kio ang zombie apocalypse version two. May tiwala si Hercules sa inyong tatlo."


Hapon na kami nakabalik sa Alexius Island. Ipinaliwanag ni Herschel kay Kio, Jordan at kay Sav kung anong status ng Aquinas Island. Kio decided to contact Harold in a cryptic way na hindi siya mapapansin ng isa pang hacker or IT analyst ni Doctor RE. Once they received a confirmation from Harold, Jordan and Herschel will infiltrate the Floor 23.


"Galit ka pa ba sa akin?" malambing na tanong ni Herschel na bigla ako niyakap palapit sa kanya habang nasa upper deck kami ng yacht.

"Dahil hindi mo sinabi sa akin na kasama mo si Stephanie sa RAD or dahil hindi mo sinabi sa akin na schoolmate mo siya nung college?" inis na sagot ko sa kanya habang nakaharap sa dagat.

"Sienna, I swear walang nangyari sa amin ni Stephanie kahit isang beses. I will be honest with you. Ilan beses na niya ko inakit at hindi ako bumibigay," sabi ni Herschel habang hinalikan ang tenga ko.

"Herschel, sinong lalaki ang tatanggi sa isang grasya na katulad ni Stephanie? Wag na tayo maglokohan. Alam natin pareho na maganda at sexy si Stephanie lalo na yung katawan niya kahit Cup Asan Boobs siya."

"Tinanggihan ko siya paulit ulit. Do you know why?"

"Dahil bakla ka ng taon? Gaylord Rivera?"

"Bakla ako? Ginagalit mo talaga ako eh!"


Mabilis akong binitawan ni Herschel at nagulat na lang ako nang binuhat niya ako sa balikat niya. Nagmamadali siya bumaba ng hagdan at natatakot ako na baka mahulog ako anytime.


"Saan ka nakahuli ng Walrus?" natatawa na tanong ni Kio dahil bitbit ako ni Herschel sa balikat niya.


Bestfriend ko ba ang baklang ito? Bakit tinatawag ako ng Walrus?


"Che, anong gagawin mo dyan? Ihahagis mo ba sa dagat? Dun sa Albertus Island, may part na shark infested. Gusto mo samahan kita?" pang-aasar ni Jordan.


Isa pa tong si Jordan!


"Baka gagawin na ni Che na sex slave si Sienna," dagdag pa ni Savannah.

"Shut up, Jordan! Isa ka pa Sav! Ibaba mo nga ko, Herschel! Nalulula ako ng nakabaliktad!" sabi ko sa kanya.

"I will kill anyone who will knock on my door!" sigaw ni Herschel sa kanila habang bumaba sa isang hagdan papunta sa lower deck.


Nang makarating kami sa cabin ni Herschel, saka niya lang ako binaba sa kama niya at nilocked ang pinto. He quickly removed all traces of his clothes and I am left in awe as I stare at his perfect body.


"Pakiulit nga yung sinabi mo sa akin nung nasa upper deck tayo?" he asked with his most serious face habang lumalapit sa akin at dahan dahan naman ako umaatras sa kanya.

"Yung gay ka or yung gay ka?" natatawa ko sagot sa kanya.

"Sienna, nag-eenjoy ka ba na tawagin akong gaylord?"

"You have been with Kio and Harold for years. Malay ko ba kung nahawa na kayo ni Jordan sa kanila---"


Herschel put his in index finger on my mouth to silence me. Hindi pa din siya ngumingiti at hindi ko alam kung nagtatampo talaga siya sa pang-aasar ko.


"Tumigil ka, Sienna. Isa pa, papakainin talaga kita ng hotdog."

"Hotdog? Yung alive and beating?"


He just smirked at me before owning my lips. Within minutes, ang necklace na may initials na HS ang tangi kong suot. HS stands for Herschel and Sienna, but it also stands for High School, kung saan ko kami una nagkakilala ni Mr. Perfect...



Gabi na nang magising ako. I checked my watch and it is already midnight. Naramdaman ko na din ang bahagyang gutom dahil hindi pa kami nag didinner.


Actually nag dinner kami ni Herschel at ulam namin ang isa't isa! 

Haisst! Ang landi ko talaga kapag kasama ang lalaking ito!


"You look beautiful, Sienna, " mahinang sabi ni Herschel sabay halik sa ilong ko. Naramdaman siguro niya na gising na ako.

"Dahil nakahubad ako?"

"Kahit may damit ka, ikaw ang pinakamaganda sa mata ko, Sienna. Paulit ulit ko sasabihin sayo yan," sabi niya while gently touching my face.

"Herschel, hindi pala ako pwede magwork sa RAD. Sabi ng mommy mo, bawal ang mag jowa dun. Dapat kasal na..."

"Then marry me, Sienna..." bulong ni Herschel habang nakatingin sa akin.


Marry me? Namali lang ba ako ng rinig o totoo na ito?


"Herschel, are you serious? Baka merry christmas yang sinasabi mo?"


Herschel just frowned at me na parang hindi natutuwa sa corny joke ko. Biglang siyang bumangon sa kama at wala man lang pakialam kahit walang kahit isang saplot ang tumatakip sa maganda niyang katawan.


"Papakasalan na sana kita kaso ang corny mo..." sabi ni Herschel sabay bukas ng cabinet.


Magbibihis na siguro siya. Sayang ang ganda pa naman ng view...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now