Chapter 88 - Side Chick

9.6K 377 34
                                    

POV Sienna

Time: 7:00 AM (Wednesday)


Mabilis akong naligo at nagbihis para sundan si Herschel. Lahat ng antok ko ay naglaho sa mga kalokohan na ginawa niya sa akin.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang isang red-haired na babae na nakahawak sa braso ni Herschel. Malabong mommy ito ni Herschel dahil matangkad at sexy ang babaeng kasama niya. Kung sino man ang babaeng ito, I really hate her na...


I just faked a cough nang malapit na ako para maramdaman nila ang presence ko. Herschel look stunned nang makita niya na nandoon na ako.

Pagharap ng babae, saka ko lang narealize na ito ay si Stephanie Marquez, isa sa mga students ng Redwood High. Isa ito sa mga babaeng humahabol kay Herschel noon.


"Sacred feces! Sienna Adelaide Ramos, is that you?"

"Ay hinde, I am just an apparition! Gusto mo sampalin kita para malaman mo na real ako?" inis na sabi ko sa kanya sabay hila sa braso ni Herschel palayo kay Stephanie.

"Bitchy as ever, Shen!"

"Sayo lang, Stephanie Marquez!"


Mabilis na pumagitan si Herschel sa amin. Siguro akala niya mag sasabunutan kami sa harapan niya. Tinaasan ko ng kilay si Herschel as if asking for an explanation kung bakit nandito ang babaeng ito.


"Sienna, Steph will take us to the warship kung nasaan si mommy," he said in a low voice.

"And why is she here?" maarte kong tanong na parang isang Englishera na girlfriend.

"Steph is my mother's assistant. She is my co-worker in RAD," mahinang sagot ni Herschel.


Co-worker? Co-worker niya ang harot na babaeng kulay regla ang buhok?


"At ngayon mo lang sinabi sa akin na co-worker mo siya? Nakakatuwa ka talaga, Herschel, Rivera. Mag-usap nga muna tayo!" inis kong sagot sa kanya at hinila siya palayo sa chopper.


Si Stephanie naman ay inirapan lang ako at sumakay na agad sa helicopter. High school pa lang ay kaaway ko na si Stephanie kaya hindi lingid kay Herschel ang galit ko sa kerengkeng na babaeng ito.


"Kailan mo pa kasama si Stephanie sa Aquinas Island?" nakapamewang na tanong ko kay Herschel nang makalayo kami ng bahagya.

"She was my college schoolmate. College pa lang ako nag papart time na din siya sa Aquinas Island."

"Baka gusto mo magpaliwanag kung bakit ngayon ko lang ito nalaman? You know that I hate that bitch! Tapos tinago mo sa akin na co-workers kayo? College schoolmate mo pa siya? Ginagalit mo ba talaga kong lalaki ka?"

"Sienna, she's not important kaya hindi ko nasabi sayo. She's not a big deal. I am sorry na," malambing na sabi ni Herschel na biglang niyakap ang bewang ko palapit sa kanya.

"Not a big deal? Herschel, are you kidding me?"


Kahit mahal ko si Herschel, gusto ko siya sakalin ngayon! Hindi dapat niya tinatago ang important information tulad ni Stephanie Marquez!


"Sienna, please calm down. Wag ka na magalit. Yes, it was my fault na hindi ko nasabi sayo---"

"Side chick mo ba siya? May relasyon ba kayo?"

"What? No---"

"Siya ba ang nagpapainit ng gabi mo kapag nasa Australia ako? Kaya ba naka survived ka sa long distance relationship natin dahil sa pag satisfy niya ng mga sexual needs mo?"

"Sienna, no! Di ba sabi ko ikaw lang ang babae para sa akin?" Herschel said while cupping my face.

"And you want me to believe that now?"

"Listen to me. We rarely see each other in Aquinas Island kaya hindi ko na binanggit si Stephanie sayo. Alam ko din na mapaparanoid ka or magwoworry ka din dahil malayo tayo sa isa't isa noon. Wala kaming naging relasyon ni Stephanie noon hanggang ngayon. Please believe me."


Bakas sa mukha niya na sincere ang apology niya pero I feel betrayed dahil hindi pa rin niya sinabi sa akin ang tungkol kay Stephanie.


"Do you forgive me now, Sienna?" mahinang tanong niya habang nakahawak sa mukha ko.

"I don't know. I will think about it. Let's go, hinihintay na tayo ng sundo mo na mukhang rambutan!"


Nauna na ako maglakad kay Herschel at sumakay ng chopper. Alam ko naman na wala silang relasyon ni Stephanie, pero di ko talaga maiwasan ang mainis nang makita ko ang babaeng ito.


She reminds me of some bad memories back in high school...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now