Chapter 18 - F You

15.7K 694 50
                                    

POV Sienna

Time: 2:00 PM (Saturday)


Nagsimula akong mag drive palabas ng Industrial District pagkatapos ko irapan si Herschel. Zombie Apocalypse na, hindi pa rin nagbabago.


Di ba dapat nice na siya dahil almost end of the world na?


"Shen, alam mo yung daan papunta sa Greek Gardens Executive subdivisions?" tanong ni Kio sakin after ilang minuto ng pagdridrive.

"Di ba dun ka nakatira yung matapobre natin na Student Council President?" sagot ko kay Kio kahit naririnig ako ni Herschel.


Greek Gardens ay ang name ng kilalang subdivision for the rich and famous dito sa Aldridge City. Alam ko din na doon nakatira si Herschel at alam ko din na napaka yaman ng pamilya nitong gagong to.


"Che, di ba may shortcut sa Greek Gardens? Yung paglabas ng shortcut, road na papunta na sa Eighth Avenue then derecho na papuntang Aldridge Bay Road?" tanong ni Kio.


Ang Eighth Avenue ay ang pinaka mahabang road sa Aldridge City na malapit na sa border. Ang dulo nito ay malapit na sa Aldridge Bay samantalang ang kabilang dulo ay umaakyat sa bundok papunta sa prestige na Greek Gardens subdivision na overlooking sa buong city.


Yung totoo? Sino gusto ng map? No? Ok fine!


"Derecho ka lang, Sienna. Pagdating mo sa may gasoline station, kanan ka paakyat. Turo ko na lang sayo kung saan yung shortcut sa Eighth Avenue. Malaki yung Greek Gardens, nakakalito at pasikot sikot. Maliligaw ka pag di ka sanay," sagot ni Herschel.

"Hoy Herschel, bakit di kaya ikaw ang mag drive para mas mabilis?"

"Ang sarap ng upo ko dito, ako pinagdadrive mo?"

"Eh ikaw ang may alam ng daan, ako pa inuutusan mo?"

"Malabo mata mo, Sienna. Kailangan ng look-out for possible threat at ako yun! Go, drive! Para may silbi ka naman!"

"Fuck you!" bulong ko sa kanya pero I am sure narinig niya.


Wala pa din kibo yung tatlo sa likod at nakikinig lang sa amin ni Herschel. Sabagay ilang taon na kami magkakasama at sanay na sila sa amin.


"What did you say?" galit na tanong ni Herschel.

"You heard it right? Gusto mo ulitin ko pa?"

"You said Fuck Me? Thanks, but not thanks. Wala akong balak na ifuck ka kahit ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo after ng zombie apocalypse na to! Your existence disgusts me!"

"Fuck you Herschel Rivera and fuck your over confident ego!" sigaw ko sa kanya.


Napatingin si Sav at si Jordan sa akin dahil parang iiyak na ko anytime. Siguro ngayon lang nila narinig na sumigaw ako ng sobra at nagalit kay Herschel. Though palagi kami nag-aaway ni Herschel, ngayon lang ako napikon to the point na naiiyak na ko sa inis.


I want to cry dahil sa sinabi niya pero ako lang ang talo pag ginawa ko yun. Mabilis ko pinahiran ang luha ko na nagpapalabo sa mata ko.

Alam ko na napansin ni Herschel na umiiyak na ako dahil kanina pa siya nakatingin sa akin. Siguro natutuwa siya dahil finally, nasaktan ako sa sinabi niya...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon