Chapter 70 - River

10.2K 431 41
                                    

POV Sienna

Time: 11:30 AM (Monday)


Ang stream sa tapat namin ay parang isang maliit na ilog na pwede namin tawirin. Sobrang linaw ng tubig at kung walang humahabol sa amin, ang sarap magpahinga sa tabi ng ilog.


"This is going to be wet and wild," sabi ni Kio nang marating namin ang river banks.


Binuhat niya sa ulo niya ang bag niya na may laman na laptop. Nasa akin naman ang ibang gamit ni Herschel.


"Sienna, let's go. Trust Che and Jordan," sabi ni Sav sa akin dahil naka tulala pa rin ako sa direction nila Herschel.


Ilang putok na din ng baril ang narinig ko at mula dito sa ilog, di ko na masyado matanaw si Jordan at Herschel.

Nagsimula akong lumusong sa malamig na tubig ng ilog. Hanggang bewang ko ang ang tubig at dahan dahan pa rin kami naglalakad dahil mabato ang ilog. Kailangan namin tawirin ito para makapunta sa kabilang side.


"Besh, can you carry my laptop for me?" tanong sa akin ni Kio nang marating namin ang kabilang side.

"Sure, Kio. May problema ba?"


Kinuha ko ang backpack niya na may laptop pero napansin ko din nilabas niya ang katana sword niya. He looks alert as if may nasesense siya na paparating na kalaban.


"Girls, go back to the river. Doon kayo sa gitna na part," sabi ni Kio sabay nguso sa mga walkers na nagmamadali pumunta sa direction namin.


At least ten zombies are running towards us. Their bodies are deteriorating but they are still fast. Hinila ako ni Sav pabalik sa tubig and kinuha niya sa bag niya ang maliit na baril.


"Sav, don't shoot. Baka tamaan si Kio," sabi ko sa habang nakapatong ang backpack ni Kio sa ulo.


Her hands are shaking dahil ngayon lang siya nakahawak ng baril. Herschel taught me how to use guns noong nasa isa kaming shooting range center, pero si Savannah ay walang alam sa paghawak ng baril.

Sumugod ang isang zombie kay Kio madali niya naipasok ang katana sa mata nito. Two more zombies approached him and he was able to easily decapitated them.


"Sav, take this and give me the gun," sabi ko sa kanya sabay bigay ng bag ni Kio at kuha ng baril sa kanya.


Sinubukan ko barilin ang tatlong papalapit na zombies kay Kio. Dahil hindi naman ako sanay masyado sa baril, it took me a few shots bago ko mapatamaan sa ulo ang mga zombies.


"Kio! Sa likod mo!" sigaw ko sa kanya nang mapansin ko ang isang zombie na sumugod sa kanya, pero I'm already late dahil nahawakan na si Kio ng zombie sa braso.


I can't shoot the zombie's head dahil masyadong malapit si Kio sa kanya. The zombie tried to bite him and Kio is pushing its head away from him.


Nabitawan niya ang katana sword at pareho silang gumulong malapit sa tubig. Another group of zombie is about to attack Kio pero bigla akong nakarinig ng sunod sunod na putok. Bumulagta sa ground ang mga natirang zombies kahit ang zombie na umaatake kay Kio. Paglingon ko sa likod, it was Herschel who accurately killed the zombies using one shot each.


"Thanks Che. That was close. What happened to the BVG?" tanong ni Kio na nagtatanggal ng lupa at damo sa katawan.

"Six of them are following us. We incapacitated all of them. It will take them awhile bago makabalik sila sa Crimson Hotel. We need to move fast. Kapag di sila nakabalik agad, they might send reinforcements," sabi ni Herschel na inaalalayan ako pabalik sa riverbanks.

"Kio, are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang blood stain sa mukha niya.

"Carry pa naman, bes. Do I look cool kanina?" nakangiti na tanong niya habang binabalik ko ang backpack niya.

"You look more than cool. You're my hero!" sabi ko sabay yakap sa kanya.


Kung wala si Kio, I doubt na buhay pa kami ni Sav ngayon. Salamat na lang at naging athletic si Kio unlike noon na isa siyang mahinhin na nerd.


"Kung lalaki si Kio, magseselos talaga ako," biro ni Herschel na tinapik ang balikat ni Kio na parang sinasabi na he did a good job.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now