Chapter 40 - Speedboat

13K 646 62
                                    

POV Herchel

Time: 4:00 PM (Sunday)


Tama si JC, mukhang kailangan namin tumalon sa tubig dahil mukhang hindi magbubukas ang pintuan ng naval ship. May ilang zombies na papalapit sa amin. Hindi enough ang ammunitions namin para patumbahin ang mga zombies.


"Tatanggalin ko yung silencer, baka sakali na marinig tayo ng mga military," sabi ni JC.

"JC, no!" sigaw ko sa kanya pero huli na ang lahat.


Naiputok na niya ng dalawang beses ang pistol. Dahil sa sigaw ni Sienna at Sav, at sa tunog ng baril ni JC, mas lalong nattract ang ilang zombies papunta sa direction namin. A horde of zombies are now walking towards us. We are between the zombies and the water of the Aldridge Bay.


"Kio, matagal pa ba dyan?" tanong ko kay Kio habang naglalakad paatras. Ilang metro na lang ay tubig na ang nasa likod namin.

"Shit, walang reply si Dark Shadows!"

"Ubos na ang bala ko!" sigaw ni Jordan sabay sipa sa isang zombie na nakalapit sa kanya.


Mukhang walang effect na tinanggal ni Jordan ang silencer dahil wala pa rin signs ng military personnel na lumalabas sa naval ship. If Saint Thomas port is already overrun by zombies, dapat sinabi sa amin ni Dark Shadows. It is also weird dahil may military naval ship sa harapan namin, pero mukhang hindi kami pinapansin.


"Guys! May rubber speed boat banda dun! Tara!" tawag samin ni Sienna.


Nauna na siyang tumakbo kasama ni Sav papunta sa malayong bahagi ng platform kung saan nakapark ang isang military speed boat. Masyadong malayo ang speed boat sa mismong platform. Kung gagamitin namin ito, wala kami choice kundi tumalon sa dagat.


"Masyadong maraming mga walkers yan. Mas malaki chances natin sa tubig dahil di naman shark infested ang Aldridge Bay," sabi ni Sienna habang unti unting lumalapit ang mga zombies sa amin.

"Kio, secured your laptop! Una na kami ni Sienna!" sigaw ni Sav na hinawakan ang kamay ni Sienna.


Without warning, tumalon ang dalawang babae sa tubig at lumangoy papunta sa speedboat. Si Kio naman ay hindi maisara ng maayos ang waterproof briefcase niya.


5 metres...


"Kio, matagal pa ba?" tanong ko sa kanya habang kina calculate ang distance ng zombies na papalapit sa amin.


Sienna and Sav may be safe dahil malapit na sila sa speedboat, but the three of us are still in danger. Maraming zombies ang papalapit na sa amin.


4 metres...


"Nastuck, hindi ko maisara! We need this laptop to communicate with Dark Shadows! Hindi ito pwedeng mag wet!"


3 metres...


"Kio, malapit na sila!" sabi ni JC habang ginagamit ang mga huling ammunitions ng kanyang pistol.


Nagkatinginan kami ni JC. Worst case scenario, bubuhatin namin Kio patalon sa tubig. Mas importante ang buhay namin kaysa sa laptop ni Kio. We can deal with Dark Shadows later.


2 metres...


"Kio, Iwan mo na yan!" sigaw ni JC.


1 metre...


"No need, I am done!" sagot ni Kio sabay locked ng briefcase niya.


Sinenyasan ko si JC at sabay sabay kaming tatlo na tumalon sa tubig. Ang mga zombies naman ay nakapag tatakang lumayo sa tubig. Para silang mga rabid dogs na may fear of water.


"Fuck! Help! I can't swim!" sigaw ni Kio dahil di pala siya marunong lumangoy.

"Hold your breathe, Kio. Steady ka lang. Ako bahala sayo," sabi ko habang inaalalayan siya na lumangoy papunta sa speedboat. Si JC naman ang kumuha ng laptop ni Kio at nauna nang lumangoy.

"Che, utang ko sayo ang buhay ko. Kung mamarapatin ni Sienna, ako na lang gawin mong girlfriend," natatawang sabi ni Kio habang nakahawak sa braso ko.

"Kio, alam mo naman na mga basura lang ang gusto ko."

"Alam ko naman, Che. Nag susuggest lang."


Tumawa lang ako sa sinabi ni Kio. Matagal ko na alam na may girly side ang lalaking ito and somehow, masaya ako na naging open siya sa amin. It only means that he trusts us.


Kung bakit walang tao sa Saint Thomas Port, this is indeed a mystery. We will find our answers in Aquinas Island...




---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- CC Summers 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon