Chapter 23 - Mnemosyne Garden

14.9K 622 42
                                    

POV Hershel

Time: 4:40 PM (Saturday)


Nararamdaman ko na pagod na ang lahat. Kahit ako, masakit na ang likod ko dahil ako ang may dala ng bag ni Kio. Pero ang isang babaeng kasama ko, mukhang buhay na buhay pa din. Naging hyper ata sa dami ng kinain na dark chocolate.


"Ganito ba talaga kalayo yung subdivision na ito sa kabihasnan? Kanina pa tayo naglalakad, wala pa tayo sa entrance ng Cronus Garden," tanong ni Sienna sakin habang nakahawak sa balakang.

"Weakling, di mo na ba kaya lumakad?"

"Kaya pa naman, kaso nakakapagod. Ang bigat kasi nung backpack ko."


Nilapitan ko si Sienna at biglang binuksan ang backpack niya sa likod. May laman na ilang bote ng Gatorade at mga imported chocolates.


"Hoy Herschel, anong ginagawa mo? Isara mo nga yung bag ko!"

"Kaya naman pala mabigat yang bag mo, ang dami mo kinuha sa mini mart na pagkain. PG ka ba talaga?" tanong ko sa kanya habang sinasara ng zipper ng bag niya.

"Eh nagugutom ako, pakialam mo ba!" sagot niya sabay irap na naman sa akin.


Mayaman naman ang babaeng ito, pero di ko alam kung bakit may lahing baboy sa katakawan. Parang PG na mauubusan ng pagkain.


"Akin na nga yan, ako na magdadala. Napaka weak mo!" kinuha ko yung backpack sa likod niya at sinakbit sa harapan ko. As usual, nakatikim na naman ako ng irap kaysa thank you.


"Salamat. Masakit na din kasi yung likod ko," bulong niya habang naglalakad kami papuntang gate ng Mnemosyne Gardens.


Kung ang bag ni Kio ay laptop lang ang laman, kay Sienna naman ay puro pagkain. It only shows kung ano ang priorities nila sa buhay.

Bago pa ko makasagot, natanaw ko na ang ilang mga tao na nagkakagulo sa harap ng Mnemosyne Garden gate. Hinablot ko agad ang braso ni Sienna para huminto.


"Che, bakit ang daming tao?" tanong ni Jordan na lumapit sa amin. Si Kio at Sav ay lumapit din para alamin kung anong nangyayari.

"Ang daming tao sa gate ng Mnemosyne Garden. Parang gusto nilang pumasok sa loob," sabi ko dahil ang daming tao, parang may commotion.

"Che, hindi na tao yan. Mga infected na ata yan. Look closely kung paano sila lumakad," sabi ni Jordan.


Tinitigan kong mabuti ang mga ilang tao na nagkakagulo sa gate. Tama si Jordan, mga infected na sila. Yung isa, putol na kamay parang si Manong Henry. Yung isa, bali na ang leeg pero naglalakad pa. Karamihan naman ay duguan at kita na ang mga entrails.


"Guys, masyado madami yan. Talo tayo pag sinalubong natin yan. Che, wala na bang ibang shortcut papunta sa Cronus Garden bukod dito sa main road?" tanong ni Kio.

"Pwede natin gamitin yung trail sa gilid ng Mnemosyne Garden village. Medyo matarik yung daan at matatagalan nga lang tayo. Pag labas natin, Greek Gardens main road na at malapit sa entrance ng Cronus Garden."


Wala naman kami magagawa dahil di namin kayang makipag habulan sa mahigit bente na zombies. Nagsimula kaming maglakad papunta sa rough trail. Para tuloy kami nag momountain hiking sa masukal na daan.


"Bro, let me help you. Bigay mo na sa akin yung bag ni Sienna," sabi ni Jordan habang naglalakad kami.

"I am fine, JC. Kunin mo na lang itong backpack ni Kio, nandyan yung laptop nila ni Sienna."

"I noticed that you're quite rude to her kanina sa kotse," mahinang sabi ni Jordan.

"I am always rude to her, nothing new. Are you lecturing me now?"

"Not really. Hindi naman ako nakikialam sa feud niyo ni Shen noon pa. I am used to it actually, but what you've said somehow triggered a nerve."

"Yeah, I noticed that too. I will deal with it, JC. Thanks for the heads-up," mahina kong sagot sa kanya.


Alam ko na na offend si Sienna kanina sa sinabi ko. Though palagi kami nag-aaway, this is the first time na nakita ko siya na umiyak.


"Che, may kasalanan pala ako sayo," mahinang sabi sa akin ni JC.

"I don't like your tone, JC."

"Nadulas ako kanina kay Sienna. Nasabi ko na may girlfriend ka."

"What the fuck? You told her? Di ba sikreto natin yun pareho? Baka gusto mo din sabihin ko kay Savannah na may girlfriend ka din ngayon?"

"Bro, sorry na. Nadulas ako, pero don't worry, binago ko ang usapan so I think hindi niya na napansin yun."

"Sienna is very keen to details. Kilala ko ang babaeng yun. Don't worry, ako na bahala sa kanya."


About a few months ago, umattend kami ni JC ng party sa Aquinas Island. Doon namin nakilala si Misty at Crystal, both are two gorgeous college girls. Anak sila ng kumpare ng daddy ko at ni General Regalado.

They set up a double date, nothing serious. But those two girls are clingy as fuck. Next thing we know, may girlfriend na kami ni JC.


*Bbbrrrrrrrooooook* *Bbbrrrrrrrooooook* *Bbbrrrrrrrooooook*


Medyo tulala pa ako sa sinabi ni JC, pero biglang nabuhay ata ang lahat ng senses ko nang makarinig ako ng kakaibang tunog. Malakas at malapit lang sa amin ang ingay. My body froze dahil alam ko na nasa panganib kami sa mga oras na yun. A zombie is probably nearby...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now