Chapter 22 - Hyperion Gardens

15.3K 662 61
                                    

POV Sienna

Time: 4:00 PM (Saturday)


Unti unti nang bumababa ang araw. Tanaw mula dito sa mataas na bahagi ng Greek Garden ang malawak na Aldridge City pati ang Aldridge Bay. Ilang oras na lang ay mag didilim na at mauubusan na kami ng oras.

Ang Hyperion Garden ay ang pangatlong executive villages sa Greek Gardens. Ang alam ko, mayaman lang ang may afford sa Greek Garden specially sa Cronus Garden. Balak bumili ni kuya ng bahay dito, pero sayang naman daw ang bahay namin dahil wala naman nakatira bukod sa akin.

Sa tabi ng entrance ng Hyperion Gardens, napansin ko na may maliit na supermarket. Isang expensive looking store dahil mga imported lang ang mga tinda dito.


"May CR kaya dyan?" tanong ko kay Kio.

"Meron siguro. Wiwi ka ba?"

"Oo sana. Pwede din naman sa damuhan na lang kaso tabingan niyo ko."

"Sa damuhan? Para kang bata, dalaga ka na girl. Che, Jordan, wiwi lang daw si Sienna. Check muna natin yung supermarket kung clear?"


Surprisingly, umagree agad si Herschel. Kala ko magrereklamo na naman siya. Pumasok kami sa supermarket at ginamit ang employee restroom nila. Walang tao at walang kahit anong damages sa mga paninda. It only means na nagmamadali ang lahat ng tao na umalis. Hindi na nila naisip na kumuha ng mga pagkain sa supermarket.


"Pang mayaman itong store noh?" tanong ni Sav habang nasa cubicle kami.

"Oo nga, puro imported ang tinda. Pwede kaya tayo kumuha ng chocolates?"

"Oo naman, Sienna. Wala na naman magsasampa satin ng kaso sa atin."


First time namin nag-usap ni Sav na kaming dalawa lang. Medyo awkward kami noon sa isa't isa dahil malapit sa akin si Jordan.


"Savannah, alam ko hindi mo ko gusto, pero friends lang talaga kami ni Jordan. Alam mo naman na magkababata kami," mahinang sabi ko kay Savannah.


Kahit mag boyfriend pa lang si Savannah at si Jordan noon, hindi kami naging close. Para kasing madalas siya napapatingin sa amin ni Jordan kapag magkasama kami. Alam ko pinag seselosan niya ko dahil sa closeness namin ni Jordan.

Sa ngayon, alam ko din na may pagtingin pa siya sa lalakeng yun. I can see in her eyes that she still loves that bully.


"Sienna, sino ang may sabi na hindi kita gusto? Hindi tayo dikit pero it doesn't mean that I don't like you. Nung kami pa ni Jordan, gusto ka niya bilang kaibigan niya at tinanggap ko yun. Though may times na nagseselos ako dahil he really cares for you. Pero past na yun, don't worry, I am not jealous anymore. Wala na kami. Wala din ako karapatan mag selos."

"Pero mahal mo pa yung gago kong kaibigan?" tanong ko kay Sav paglabas niya ng cubicle.

"Niloko niya ko, Sienna. Pinagpalit sa ibang babae and I can't forgive him," Sav bitterly said.


Paglabas namin ng comfort room ni Sav, napansin ko na nag-aayos ng bag si Kio at Jordan. Malamang kumuha na sila ng ilang pagkain sa supermarket. Naglagay din ako ng ibang bread at pagkain sa bag ko.

Nagsimula kaming maglakad at medyo lobat na kami lahat. Ang sakit sakit na ng paa ko at buti na lang nag rubbershoes ako.


"Sinong gusto ng chocolate?" tanong ni Kio habang nilalabas ang isang pack ng Hershey's Kisses.

"Kinuha mo yan sa store noh? Wala ba dark chocolates?" tanong ko sa kanya.

"Meron andito sa bulsa ko. Lam ko favorite mo yan," sabay abot sa akin ng Hershey's dark chocolate bar.

"Thanks girlfriend, you're the best! Kanina pa talaga ko nagugutom eh," bulong ko kay Kio.

"Di ka ba nabusog sa inorder ko?" singit na tanong ni Herschel.

"Nabusog naman, pero kanina pa yun. Nag move-on na yung mga kinain ko, so pede mag-move on ka na din?"


Binilisan ko ang lakad ko at sumabay ako kay Jordan na nauuna na. Iniwan ko si Kio, Herschel at Sav. Di ko pa rin makalimutan yung sinabi niya kanina sa sasakyan.


Bitter pa ako eh! Saka gusto ko pa mag-inarte eh!


"Dark chocolates, para sa happiness. Kanina ka pa sad diyan," alok ko kay Jordan na kanina pa tulala.

"Di ako sad. Pagod lang siguro."

"Pagod nga ba talaga o problema sa lovelife? Jordan Caden Regalado, kung mahal mo pa si Savannah Roberts, bakit puro hatred pinapakita mo sa kanya?"

"Wow Joe D Mango, ikaw ba yan?"

"Di nga natin alam kung huling araw na natin sa mundo, magprepretend ka pa ba?"

"Coming from a girl na no boyfriend since birth. Bakit ayaw mo kasi akong gawin na boyfriend? Matalino ko, mayaman at magandang lalaki? Ano pa ba hinahanap mo? Oh right, you are looking for Mr. Perfect."

"Shut up, Jordan."

"Bakit ka namumula? Totoo di ba? Si Che lang ang lalaki na nakikita mo na magiging boyfriend mo?"

"Tumigil ka. Wag mo kami gawan ng issue. Alam mo naman na kumukulo ang dugo ko sa lalaking yun."

"Shen, alam ng buong school ang attraction niyo sa isa't isa. Alam mo kung sino lang ang hindi nakakaalam? Kayong dalawa!"

"Attraction? Baka repulsion!"

"Kayong dalawa ang pinaka matalino sa buong school, pero kayong dalawa na ata ang pinaka bobo at manhid pagdating sa pag-ibig. Both of you are fucking in denial."

"Hoy Jordan. Tumigil ka ha? Narinig mo ba sinabi niya sa akin kanina sa kotse?"

"Sienna, nagpapaniwala ka sa mga biro ni Herschel. Kilala ko yung lalaking yun simula bata pa lang kami. Kahit may girlfriend siya, alam ko na attracted siya sayo."


Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Jordan. Hinawakan ko ang braso niya para tumigil din.


"May girlfriend... si Herschel?"

"Ha? Sinabi ko ba yun? Ang sabi ko, attracted siya sayo kahit ang bingi mo!" nakangiti na sabi ni Jordan.


May girlfriend nga ba si Herschel? Wala naman ako nababalitaan na may girlfriend siya ah?


Well, as if naman kailangan niya kong sabihan sa updates sa lovelife niya. First year pa lang kami, crush ko na noon si Herschel dahil matalino siya, pero unti unti ko nakita ang pagka demonyo ng ugali niya. 

Mas pipiliin ko pa maging matandang dalaga kaysa maging boyfriend siya...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon