Chapter 8 - Jordan

18.4K 977 112
                                    

POV Jordan

Time: 9:30 AM (Saturday)


Zombie Apocalypse. Sa movie at sa TV series lang meron nito, pero mukhang nasa real life na ito sa ngayon. Mabilis kong tinawagan si daddy para humingi ng tulong.


"Dad, we are stuck here in school, sa may dormitory. What happened? Is it really a zombie attack?"

"We don't know son, biglaan ang lahat. I want you to stay there, be safe. I will call you as soon as nakahanap ako ng chopper na..."

"Dad, are you still there? Dad?"


And the phone line was cutoff. After ilan minutes, natanaw ko na si Shen at Che na mabilis na naglalakad. Di ko alam kung namumutla siya sa kakatakbo o takot.

Both of them are holding hands as if may relationship sila. Nahuli ko din sila kanina sa kanilang staring contest. Hindi na ako magtataka kung mahulog ang kaibigan ko kay Mr. Perfect. Hindi rin ako mabibigla kung mahulog si Che kay Shen.


Sienna Ramos is beautiful, pero boyish. Simple at walang arte sa katawan. Feminine and yet barako. Maraming nanliligaw sa kanya pero nagbaback-out din madalas ang mga suitors niya. Somehow may hinala na ako kung bakit at kung sino ang dahilan.

She's smart and her intellect can match Mr. Perfect's brains. She's the only one who can outsmart him. Other students call her Mrs. Perfect and Shen hates that tagging.


Medyo nag-alala din ako kay Shen dahil kababata ko siya. Parang kapatid ang turing ko sa babaeng ito. So far, sa lahat ng mga babaeng nilandi ko, siya lang ang hindi kumakagat sakin. Buti na lang, hindi pa ko dinedemanda nito sa pang-bubully ko sa kanya.

Binuksan ko ang pinto at dali daling niyakap ko si Sienna. Nanginginig siya at malamig ang pawis.


Hindi ba napapansin nitong unggoy na kasama niya na shocked si Sienna?


"Buti naman safe ka. Anong nangyari sa labas?" tanong ko habang sinasara ang steel gate ng dormitory.

"Kinain lang naman ng mga zombies yung nagdeliver ng food natin sa harap namin ni Manong Henry. Di ko maintindihan, bakit may ganun?" naguguluhan niyang tanong.

"Tumawag ako sa daddy ko, critical daw sa city. Mas mabuti pa daw magstay muna dito. Strategic ang place ng school. Kung may zombie attack, less ang chance na madaming zombie horde ang pumunta dito," explained ko kay Sienna habang pataas kami ng stairs. Si Che naman ay nauunang umakyat sa amin.

"Nakakatakot sa labas, Jordan. Kung alam mo lang kung pano nila kainin si kuya delivery man," naiiyak niyang sabi. Pero kilala ko si Sienna since nung mga bata pa kami, hindi siya iyakin.

"Sssshh... Wag ka mag-alala, safe tayo sa school," hinawakan ko ang kamay niya na nanlalamig pa din at dinala sa mga labi ko.


As expected, Che gave me a cold and lethal glare as if he is warning me not to mess up with his property...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Where stories live. Discover now