27: Mira

219K 2.9K 32
                                    

Kung kaya lang makipagkarera ng hininga ko sa kabayo, panigurado ay mananalo siya. Paano ba naman, inatake muli ako ng aking nakakaimbyernang sakit.

Naalala ko, noong elementary ako, pinag-jogging kami ng PE teacher namin sa open field ng school. Mga five minutes pa lang siguro ang nakalipas nang umalis na ako sa pila at umupo sa sementadong gangway, 'di kalayuan sa iba pang mga kaklase ko. Ang hininga ko kasi, parang mapupugto na sa sobrang bilis. Tapos, bigla na lang akong nag-black out. Paggising ko, nasa clinic na ako, nakahiga habang hinahagod ni Mama ang buhok ko.

'Yon ang last PE activity na naranasan ko. Sa mga sumunod, either exempted ako o ako ang scorer — all thanks to my abnormal breathing.

At ngayon, habang halos paliparin ni Sir Vren ang kotse niya papuntang AMMC, hindi ko maiwasang mapapikit kapag naaalala ko ang rason kung bakit umatake na naman ang hyperventilation ko — ang pagkahuli niya sa akin habang nakatitig ako sa kanyang underwear na nasa loob ng kanyang luggage.

Nakakahiya!

Masama pala sa akin na mag-imagine ng kung anu-ano. Baka maging dahilan pa ng kamatayan ko ang pagiging imaginative ko.

Kahit hirap na sa aking sitwasyon, nagawa ko pa ring lingunin si Sir Vren, na noon pala ay nakatingin din sa akin. Red light kasi kaya nakatigil ang kanyang kotse.

"Are you okay? I mean, are you feeling better? I hope it's not getting worse," sabi niya na halata ang pag-aalala. Ako naman, umiwas ng tingin dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari.

Hindi ko alam kung bakit pero nang na-realize kong may concern din pala sa akin ang suplado kong boss, para bang unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Namalayan ko na lang na nagiging normal na ulit ang paghinga ko. Kasi, 'yong pagkakasabi niya... Parang wala namang nangyari. Parang hindi naman ako napahiya sa harap niya. Parang ang tanging concern niya lang ay ang kalagayan ko.

May itinatago rin naman palang kabaitan itong si Mr. Montevilla. Siguro, kapag sinisita niya ako, dapat magkunwari akong nagha-hyperventilate para bumait siya bigla sa akin. Charing lang.

Pero seryoso, may ikinabuti rin pala itong pag-atake ng sakit ko. For one, nakita kong hindi naman pala pure evil si Vren Andrei Montevilla. Kailangan lang pala na tinataranta siya para mawala ang pagiging bayolente.

Pagtingin ko muli sa kanya, nakatingin na siya sa unahan, seryoso at maingat na nagmamaneho.

At namalayan ko na lang na nakahinto na kami sa harap ng AMMC.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon