33: Mira

270K 3.4K 223
                                    

Ang talino ko talaga!

With a little bargain and a bit of coercion, nagawa ko ulit na makatapak sa isang amusement park. Nang libre. Sagot ng boss kong freak.

Aba, hangga't may oportunidad na magpakasaya, dapat sunggaban natin, 'di ba? Tsaka kitang-kita ko naman kung gaano kalungkot kanina si Sir Vren noong tinanong ko siya kung may pinagdadaanan ba siyang problema. Imagine, he's so crestfallen he can't even find the words to express his loneliness? Ganoon na lang siguro siya kalungkot kaya sa sobrang desperation niya ay wa keber kahit ako ang pinakakinaiinisan niyang nilalang sa buong solar system — ang maisama niya sa kanyang "pagtakas sa realidad"?

Yes, aware naman ako kung gaano kaasar sa akin si Mr. Montevilla. He said it to my face for just about a million times already.

Still, I couldn't let the chance of having fun escape, especially since double-purpose itong pamamasyal namin sa EK. Pampawala na ng kalungkutan ng boss ko, pang-tweet ko pa on our way home!

@supermirathea Had an awesome time at EK! I can't believe it's been ages since I last stepped into an amusement park! Thanks Sir Vren for the free tix!

O, 'di ba? Siyempre, naituro ko ang tamang direksyon pa-Laguna kahit ako mismo, hindi street-wise. Ako pa ba? Hindi naman inimbento ang Google Maps at GPS para lang titigan natin on our leisure time.

Tsaka wala namang pakialam si Sir Vren kung saan ko siya dinadala! Sigurado ako, kung direksyon man papuntang Pluto ang itinuro ko sa kanya ay tatahakin niya pa rin nang walang angal. Yeah, he's that desperate and downcast to not even care kung saang parte ng galaxy ko siya dalhin, basta lang ay makalayo siya sa sanhi ng kalungkutan niya. My poor, lonely boss. Kahit hindi yata bababa sa twenty times kung supladuhan niya ako sa araw-araw na ginawa, ayaw ko pa rin namang magkaroon ng depression itong si Mr. Montevilla.

Tuluyan na kaming nakapasok sa amusement park nang muling magsalita ang aking boss. "What the hell are we going to do here?"

I forced myself to plaster a fake smile, kahit deep inside ay nayayamot na ako sa kawalang-malay ng boss ko when it comes to everything na may kaugnayan sa salitang kasiyahan. "Malamang, ita-try natin ang rides! Ano pa po ba ang ginagawa sa isang amusement park, ha, sir?"

Sumimangot naman ang loko. "Try them alone, 'coz I'm not riding anything."

Hala, sayang naman ang ride-all-you-can ticket!

"Ah, sige lang... Sa horror house muna tayo!" Hinatak ko ang braso ni Sir Vren papunta sa haunted attraction dito sa EK na base yata sa isang horror movie. Mamaya na lang kita pipiliting sumakay sa Flying Fiesta. Hahaha!

****

Pinagsisisihan ko nang niyaya ko pa si Sir Vren dito sa pesteng haunted house na 'to. Mukhang ikakamatay ko pa nang 'di oras ang maya't maya na lang na panggugulat sa akin ng mga nagpapanggap na multo at kung anu-anong elemento dito.

Ano 'to, "Patayin sa Sindak si Mirathea?"

"Aaaaaaaah! Mama!" Kung marunong lang akong magmura ay malamang na-badmouth ko na ang white lady na humatak sa paa ko.

"Dragging me here but turning to be a scaredy cat herself, tsk." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mapang-insultong linya na 'yan ni Sir Vren. Nalingunan ko pa ang kumag na nagpipigil ng tawa habang iiling-iling na pinapanood ang halos patakbo kong paghahanap sa exit nitong haunted house.

"May sinasabi ka po, sir?" nakaismid na tanong ko sa kanya.

"As a matter of fact, yes," sagot naman niya sa akin. "I never knew you could be scared so easily."

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon