5: Mira

405K 6.6K 382
                                    

Ayala-Montevilla Medical Center.

Hmm... Tunog-mayaman naman itong ospital na ito. Obvious naman na private; façade pa lang ay bongga na.

Dinala ako ni Stupid Driver dito, para raw ipagamot ang paa ko.

Magre-react pa sana ako — iniisip ko kasi na baka makahabol pa ako sa interview ko sa Medialink, pero nang tingnan ko ang time sa phone ko, isang malaking WALA NANG PAG-ASA ang sumalpok sa noo ko. Paano ba naman, 8:50 na. Sa madaling sabi, naglaho na nang tuluyan ang pangarap ko.

Whatever.

Kahit malaki ang panghihinayang ko ngayon, naisip ko na baka hindi talaga para sa akin ang Medialink. Kung sabagay, marami pa naman akong pwedeng pag-apply-an diyan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero may sinasabi rin naman ang credentials ko bilang accountant.

Ang problema ko na lang ngayon, hindi ako makahakbang. Sobrang sakit ng paa ko, mga intensity 9 kumbaga sa lindol. Kaya ito, nakakapit lang ako sa may pinto ng kotse ni Stupid Driver.

"Hey, come on. Baka abutin tayo ng alas dies kung hindi ka pa aalis diyan, Miss."

Medyo masakit na rin ang lalamunan ko kakabulyaw sa kanya kanina, kaya pinili ko na lang na manahimik pansamantala. I tried to walk, kaso ay parang binagsakan ng building ang paa ko, kaya heto nga at napasigaw ako nang bahagya.

Nakakahiya!

Tinakpan ko agad ang bibig ko ng kamay ko.

Teka. Teka!

Before I knew it, buhat-buhat na ako ni Stupid Driver papasok ng ospital.

****

"Aray!" Nakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"Miss, I know it hurts, but please keep still. Hindi kita magagamot kung lagi mong inilalayo ang paa mo. Sige ka, mas tatagal ang pamamaga niyan."

Okay. Sabi mo, eh. Dahil gwapo ka, titiisin ko na lang kahit sinasaktan mo ako ngayon. Charot!

Ang gwapo naman kasi ng doktor na ito! At ang bango pa. Tapos, ang bait pa ng itsura. Medyo hawig nga sila ni Stupid Driver, actually. Pero maangas ang mukha no'n, compared dito kay Doc na masayahin ang mukha.

Ano kayang meron at napapaligiran ako ng mga gwapong nilalang ngayon?

****

Hay, salamat. Natapos din. Kaunting ikot na lang ng bandage at makakawala na ako rito.

"Pwede na po ba akong umalis?" tanong ko kay Doc Pogi after niyang paikutan ng bandage ang paa ko.

"Nope. Not before magamot ko ang mga gasgas sa braso at mukha mo," sagot naman niya, with a kind smile at me. In fairness!

Ilang sandali pa ang dumaan bago ko naisipang alisin ang tingin ko kay Doc Pogi, na noon ay naghahalungkat ng mga panggamot sa sugat na obvious namang sa akin niya gagamitin. With that, hinanap ko si Stupid Driver. Mahirap na, 'no? Baka dinala niya lang ako rito, tapos bigla siyang umalis, at ang ending ay ako ang magbabayad ng bills dito. Aba, baka limang buwan kong suweldo ang katumbas ng bayarin dito sa mamahaling ospital na ito.

Oh, my. Nasaan siya?!

Sabi na nga ba at walang gagawing maganda ang lalaking 'yon, eh! Anak naman ng tinapa, tsk. Nabangga na nga ako, nagoyo pa.

Okay, nandito na tayo. Tinakasan niya ako. May magagawa pa ba ako? Hindi ko naman siya pwedeng habulin dahil ni hindi nga ako makahakbang ngayon nang hindi sumisigaw sa sakit.

Pero ang malaking tanong — saan ako kukuha ng pambayad sa ospital na 'to?

Ano bang date ngayon? Mamarkahan nga sa kalendaryo. I will name today, "Hell Yeah, I'm So Lucky Day".

"Miss, are you alright? Hindi naman masakit ang mga ilalagay kong gamot sa mukha at braso mo. Trust me." Doc Pogi gave me a reassuring smile.

Nahalata niya pala na nagpapanic na ako rito. Kung sabihin ko kaya ang totoo — na wala akong pambayad sa kanya? Oo, tama! Maigi nang malaman niya habang maaga. Siguro naman, papayag ito na IOU muna ang serbisyo niya sa akin.

"Hey. Namumutla ka na riyan. Do you want some water? Tell me, is your foot still hurting?"

"Ah, eh, kasi po... May sasabihin po ako sa inyo."

My gosh! Nakakahiya naman ako. Pilay na nga, bulol pa.

Okay, sasabihin ko na talaga sa kanya. No use in prolonging my agony.

In three, two, one —

"Bro, aren't you done with her yet?"

Holy heavens! Si Stupid Driver!

So, hindi niya pala ako tinakbuhan. Medyo OA lang pala ang reaksyon ko kanina. I couldn't be any happier today than the moment na nakita ko siyang sumulpot sa pinto. Ligtas ang pera ko!

"Vren, couldn't you be more patient? Give me some moment to fix her face and arm. Tingnan mo nga itong si Miss, namumutla na. Akala yata ay tinakbuhan mo ang gastos sa pagpapagamot sa kanya," Doc Pogi said with a chuckle.

Hala, paano niya nalaman 'yon? Baka mind reader din itong doktor na ito.

"Dr. Vince Allen Montevilla, anong gastos ang sinasabi mo riyan? Kaya ko nga siya dinala rito ay dahil alam kong libre ang serbisyo mo," sagot sa kanya ni Stupid Driver habang nakangisi.

"May I remind you, Atty. Vren Andrei Montevilla —"

"Don't forget the CPA."

Doc Pogi rolled his eyes before sniggering. "As I was saying, let me remind you na wala nang libre sa mundo ngayon. Pero sige, hindi kita sisingilin ng cash. I have some other payment mode put away for you," he continued slyly.

Okay... Out of place naman ako rito. Pero in fairness ha, ang gaganda ng mga pangalan nila. Masyadong high profile pakinggan.

Dr. Vince Allen Montevilla.

Atty. Vren Andrei Montevilla, CPA.

Kabogero rin pala itong si Stupid Driver! Who would have thought na CPA-Lawyer pala siya?

After a few beats, I felt like I just hit a brick wall upon realizing something.

Uh-oh. I can't believe na ganito pala kabagal mag-process ang utak ko.

"Miss, ano nga pala ang sasabihin mo? Sorry ha, ang hilig kasing sumabat nitong kapatid ko," sabi ni Doc Pogi nang muli akong balingan. Kailangan ko pa bang sabihin na nakangiti siya?

Hindi ko na rin nagawang sagutin ang tanong niya. I just stared back and forth between him and Stupid Driver.

Okay, it's official.

I just met the two most drop-dead gorgeous men I ever saw in my twenty-four years of existence, today. A doctor and a lawyer-slash-accountant.

And they're brothers.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon