13: Mira

296K 4.6K 135
                                    

I like the way you sound in the morning
We're on the phone and without a warning
I realized your laugh is the best sound
I have ever heard

Kasalukuyan akong nag-i-imagine na kinakanta ko ang "Jump Then Fall" ni Taylor Swift kay Papa Vince, habang nasa isang super-romantic setting kami. Siyempre, dahil may taglay rin naman akong kapirasong kalandian sa katawan, hindi pa rin ako maka-get-over sa unexpected encounter ko with probably the handsomest doctor to ever exist.

Hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Someone's calling — an unregistered number.

Who is this, kamatis na may patis? Panira naman ng fantasy, eh!

"Hello?" I said to acknowledge the call.

"I need you to open the door right now," the caller replied in an authoritative tone.

And the line went dead.

Hala, sino naman 'yon? At ano raw, gusto niyang pagbuksan ko siya ng pinto — ngayon din?

No way!

Paano kung magnanakaw pala 'yon? Kapre? Tikbalang? Salvage victim na gustong maghiganti?

Ayoko pang mamatay, lalo at hindi pa kami ikinakasal ni Papa Vince!

Muli na namang pumailanlang ang call alert tone ko.

Diyos ko. Tumatawag na naman si Unknown Caller! Sasagutin ko ba?

Ano ba naman kasing klaseng nilalang ito at dis-oras ng gabi kung tumawag? At nasa labas na siya ng bahay ko right now, ha? Saan naman niya nakuha ang number ko?

Ayoko! Ayokong sagutin!

Hindi ko naman siya kilala, ah! Sino siya para mag-demand na pagbuksan ko siya ng pinto, ngayon din?

Sige lang sa pagtunog ang cellphone ko. No matter how intently I ignored the calls, the caller seemed to be more intent in bothering me.

Naku naman! Napakakulit ng isang 'to. Bahala na nga!

Dadalhin ko na lang ang muriatic acid na nasa CR para maisaboy ko agad sa mukha niya, in case isa siyang nilalang ng dilim. Not the best plan, I know, but it's the first that came to mind.

Napakabilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad patungo sa front door ng apartment ko. Hanggang sa tuluyan ko na itong buksan.

"You're impossible. Did you really have to keep me waiting for half an hour?"

****

Hindi na ako magtataka kung ano mang oras ay mahimatay ako rito at tuluyang bumagsak sa sahig.

Kasi naman, hindi pala isang magnanakaw si Unknown Caller. Hindi rin siya isang kapre, tikbalang, o salvage victim na gustong maghiganti.

Mas malala pa siya sa mga nabanggit.

Unknown Caller turned out to be Stupid Driver.

"Anong ginagawa mo rito, ha? Paano mo nalaman ang number ko? Ang address ko? Bakit ka tumawag? Anong kailangan mo sa akin? Pwede bang lumayas ka na rito? Sinira mo ang napakagandang Monday night ko!" walang hinga-hingang sigaw ko sa kanya, sa kabila ng pangangatog ng mga tuhod ko.

"You know what? You are the most lunatic person I've ever met. And why are you holding a bottle of muriatic acid?" There was a bemused look on his face.

Medyo nahiya naman ako dahil nga bitbit ko pa ang bote ng muriatic acid, tapos ay naka-unscrew pa ang takip nito na hawak ko naman sa kabilang kamay ko.

"This is my weapon!" I answered him, trying hard to sound dignified.

"Weapon?"

"Oo, weapon! Malay ko ba kung anong masamang elemento ang tumawag sa akin kanina na hindi man lang nagpakilala? Ano ba kasi ang ginagawa mo rito, ha?" I glared at him, partly because of irritation and partly because gusto kong pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. I mean, the guy just caught me holding a bottle of muriatic acid — without any sound reason.

"So, this is why it took you ages before deciding to see who's waiting outside your apartment." He shook his head, frowning. "What a ninny. Pakisarado na 'yan — baka mamaya ay masabuyan mo pa ako. Sayang ang gwapong mukha ko kapag nagkataon."

Ang dami talagang alam ng isang 'to!

"Ang dami mo pang satsat! Ano ba talagang ginagawa mo rito? Freak ka pala, eh!" sigaw ko sa kanya.

"Did you just call me a freak?"

"Yes, I did! You're really weirding me out!" I shot back at him.

He narrowed his eyes but didn't say anything, so I plowed on.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa labas ng apartment ko? Ngayon mo pa napiling um-appear kung kailan dis-oras na ng gabi! Pwede naman sigurong ipagpabukas kung ano man ang pakay mo sa akin, 'di ba?"

"I just fucking came here to tell you that you're hired as Medialink's new accounting department head. Just so you know, that is my company!"

What?

"I figured out it's impossible for you to function normally right now, given your foot's condition. So, I am giving you a grace period. Sa susunod na Lunes ka na magsimula."

"A grace period? Sa susunod na Lunes magsimula?" I stammered. "Teka, seryoso ba 'to? You own Medialink? Is this a prank?"

He rolled his eyes. "Seriously, Ms. Custodio. Nag-apply ka sa isang kompanya na hindi mo alam ang pangalan ng may-ari nito?"

"Of course I know who Medialink's owner is!" I yelled at him, despite my reddening cheeks. "A certain Mr. Montevilla."

"A certain Mr. Montevilla," he echoed hollowly. "For fuck's sake. Well, for your information — I am that certain Mr. Montevilla. Vren Andrei Ayala Montevilla. Say it again."

"Vren Andrei Ayala Montevilla," parang tangang pag-ulit ko naman.

"Exactly. Memorize my name, because starting next Monday, it'll be the name of the guy you'll be working for." He grinned self-importantly. "Be sure to come, so you can relieve that stupid pile of backlog in the Accounting Department."

And with that, he walked away. The next thing I knew, his car was speeding away into the night.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon