3: Mira

401K 6.5K 259
                                    

Mga ilang segundo pa siguro akong nakatitig kay Stupid Driver bago ko ulit naalala na nabangga nga pala ako. Kung hindi pa kumirot ang paa ko, baka hanggang ngayon ay nakanganga pa rin ako sa harap niya.

Shocks. Kahit Badtrip Level 100 pa rin ako dahil sa nangyari, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Paano ba naman, ang gwapo niya kasi! Tall, just the right tan, hair in a neat but gorgeous cut, expressive eyes — hindi singkit pero hindi rin naman masyadong bilugan. A while ago, he clicked his tongue, and I had the chance to see a glimpse of his pearly white perfect set of teeth. He was wearing an expensive-looking suit with matching ash-grey tie, and matching his ups were creaseless night-black slacks. And look at his immaculately polished shoes!

Who would've thought na makakakita ako ng Sean O'Pry look-alike sa kalagitnaan ng highway na 'to?

"Aray!"

Muling kumirot ang paa ko. Okay, galit na ulit ako kay Kuya. Ouch!

"Miss, are you okay?"

Tingnan mo nga naman. May utak ba 'to? Hanggang mukha lang ata ito, ah!

"Tinatanong mo kung okay ako? Ikaw kaya ang mabangga sa gitna ng highway, mangudngod sa semento, at mapilipit at magasgasan ang paa? Tingin mo, magiging okay ka pa? Idagdag pa na dahil sa katangahan ng isang tao, naglahong parang bula ang pangarap mong trabaho. Ano? Kapag sinabi mong okay lang ang lahat ng 'yan, mapapatay kita nang 'di oras!"

Mukha namang tinablan si Kuya sa high-pitched kong boses. Isabay pa ang pagbusina ng mga sasakyan na nasa likod ng kotse niya dahil sa nag-go signal na.

Ha! Spell taranta. Dapat lang sa'yo 'yan.

"Okay. Okay," he said in obvious panic. "Hop in to my car."

Ano raw?

"I said, hop in! Go signal na, can't you see?"

Hala! Narinig niya yata ang sinabi ko sa sarili ko.

"Get in!" Sumisigaw na si Stupid Driver.

"Eto na nga! Excited ka? Sorry, ha? Ako kasi ang tanga na nakabangga ng isang walang kamalay-malay na pedestrian!"

Kumalma bigla si Kuya.

Ha! That serves him right.

Pagkapasok na pagkapasok ko, pinaharurot agad niya ang kotse niya. Bastos talaga! Nauntog pa tuloy ako sa may bandang gilid ng kotse. Masakit din 'yong untog ha? And for the record, nakakarami na ng damage ang lalaking ito sa akin!

Mamaya ka lang.

Pero teka, saan ba ako dadalhin ng ugok na 'to?

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon