11: Mira

321K 4.5K 165
                                    

"I must say, you have a sweet voice," nakangiting sabi sa akin ni Papa Vince.

Betcha by golly wow! Ang kilig ko, abot na yata hanggang outer space. Ang gwapo mo talaga, Doc! Ang sarap mong igapos at i-stock sa bahay ko!

"Mira, are you okay?" Biglang natigil ang pagpapantasya ko nang marinig kong muli ang boses niya.

Anak ng... Natulala na naman pala ako?

"H-ha? Ay, oo. Okay lang ako, Doc," mautal-utal kong sagot sa kanya. Huli na sa akto na nagde-daydream ako habang tinititigan siya.

"Good. Akala ko, kung napaano ka na. Para kasing ang tagal mong nakatingin sa kawalan. Gutom ka na ba?"

Tumango na lang ako, kahit sa totoo lang ay busog ako ngayon — busog ang mga mata, dahil sa kagwapuhan niya.

"Here, eat these brownies. Binili ko talaga 'yan para may makain ka habang bumabiyahe tayo." Inabot niya sa akin ang isang wrapper na puno ng brownies na amoy pa lang, halata nang masarap.

"Thank you," I replied with a smile, gaining back my composure. Wala nang arte-arte pa, nilantakan ko kaagad ang brownies dahil paborito ko ito.

"Mira, can I ask you something?"

"Nagtatanong ka na. Why will I bother to stop you?" I gave him an impish smile.

Natawa naman siya nang mapagtanto niya na ginaya ko siya. "Walang agawan ng linya," biro niya.

"Sorry." Tunawa rin ako. "Siya, ano ba 'yong itatanong mo?"

"It's not that important, actually. Pero bago ka mabangga ni Vren, where were you supposed to go?"

"Ah, 'yon ba? Akala ko naman, kung ano na." I chuckled. "Papunta sana ako sa final interview ko. May application kasi ako bilang accounting department head sa isang malaking company. Kaso wala na, too late para humabol."

At dahil naalala ko na naman ang nasayang na opportunity, 'yong chance na biglang nawala na tila langaw na dumapo lang saglit sa ulam mo sa mesa, bigla na naman akong nalungkot. At the same time, nakaramdam ako ng matinding inis kay Stupid Driver.

Teka, speaking of Stupid Driver, ano na kayang nangyari sa lalaking 'yon? Baka naman naanod na papuntang Liliput Island? Sana nga! That will serve him right.

"Oh. That's a real pain in the neck." Papa Vince clicked his tongue. "On behalf of my careless brother, ako na ang humihingi ng pasensya sa'yo. Pupusta ako ng sampu, hindi pa 'yon nagso-sorry sa'yo."

"Ang galing, kilalang-kilala mo nga ang evil twin, este, ang kapatid mo." He's right, ni isang labas sa ilong na sorry, hindi ko narinig kay Stupid Driver.

"Well, we grew up together, so..." He chuckled.

"Sabi ko nga." Bahagya rin akong tumawa. "Pero wala eh, nangyari na 'yon. I believe that things happen for a reason — baka hindi talaga para sa akin ang trabahong 'yon. And don't worry, nabawi naman ng pagtulong mo ang nakakayamot na ginawa ng kapatid mo."

I gave him a reassuring smile. After all, I should be grateful to his brother. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mami-meet si Papa Vince, 'no?

"You really amaze me. Sa nangyari sa'yo, nakuha mo pang mag-isip nang ganyan?" He smiled back at me. "If you want, I'll ask Vren to hire you. Sakto, naghahanap din sila ng accounting department head para sa kompanya niya. Knowing kung gaano kapihikan ang kapatid ko, I'm pretty sure na hindi pa napupunan ang position na 'yon."

What? Ako, magtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng lalaking 'yon? No way!

"Naku, Doc. 'Wag na! Nakita mo naman, mainit ang dugo niya sa akin. Tapos magtatrabaho pa ako sa company niya? Baka wala pang isang linggo, na-fire na niya ako."

"Hindi naman siguro." Tumawa si Papa Vince. "Pero sige, hindi na kita pipilitin. I know how terrifying it could be to work for Vren. But I can refer you sa iba ko pang mga kakilala. Some of them might be in need of experienced accountants. How does that sound?"

"Sounds good." I beamed at him. "Salamat talaga, Doc. Buti ka pa, busilak ang kalooban. Hindi tulad ng kapatid mo na..."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko. Baka kung ano pang masama ang masabi ko tungkol kay Stupid Driver. For sure, mao-offend si Doc — kapatid niya pa rin 'yon.

Pero tumawa lang ang gwapong lalaki na nasa tabi ko. And in that instance, itinigil niya ang kanyang kotse sa tapat ng apartment ko.

"Hey, Mira," he began, after turning off the car engine. "I guess we need to exchange numbers. You know, in case I find a suitable job for you."

His smile was infectious. "Okay," nakangiti ring sagot ko sa kanya.

And exchange numbers we did.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now