45: Mira

197K 2.8K 142
                                    

Isang taon.

Isang taon ko nang yapos sa pagtulog si MB. Isang taon na rin akong hinahatid-sundo ni Doc Vince mula sa aking apartment papunta sa Medialink at kapag tapos na ang office hours, automatic na rin na nandoon na siya, hinihintay ako para muling ihatid pauwi.

Isang taon na mula nang araw na 'yon na tinawagan ako ni Sir Vren para bilhan siya ng gamot sa sakit ng ulo at almusal dahil hindi siya makakilos dala ng matinding hangover, at ang ending, nag-mall kami at napagkamalan pang isang "beautiful and happy couple". Ang ebidensya ng epic na araw na iyon: a photo of us — ako habang ngiting-ngiti at siya naman, sweet na sweet na nakalapat ang lips sa aking kanang pisngi.

Isang taon ko na ring hindi nakikita ang aking saksakan ng gwapo pero saksakan din ng sungit na boss.

****

"Good morning, MB!" bati ko sa stuff toy ko matapos kong patayin ang eskandalosa kong pink alarm clock. Tiningnan ko ang oras — 5:50 am. Talagang sinakto ko 'yan para magkaroon ako ng sapat na oras para gawin ang mga ritwal ko kada umaga (kain, ligo, kaunting pa-pretty) bago bumiyahe papuntang Medialink. Ewan ko ba kung bakit, pero excited akong pumasok ngayong umaga.

Papunta na sana ako sa kusina nang bigla namang nag-ring ang aking phone.

"Hello, Mavi?" pagsagot ko sa tawag na mula pala sa aking kaibigan. Ano kayang meron at nambubulabog ang babaeng ito nang kay-aga-aga?

"Mira, OMG! Have you heard the news?" Teka, ano kayang 'news' ang tinutukoy nitong si Mary Eve Alegre? At kailan pa ito natutong mag-'OMG'?

"Jusko naman, Mavi! Anong news ba 'yan at kailangang i-deliver nang ganito kaaga?" parng nanay kong sermon sa kanya.

"Si Sir Vren, papuntang Canada. Ngayong umaga ang flight niya."

"H-ha? Si Sir Vren, papuntang Canada?" gulat kong pag-uulit sa sinabi niya. "Bakit? Anong meron?"

"Business matters. Idi-discuss niya raw sa international partners ang possibility ng expansion ng Medialink," pag-eksplika naman ni Mavi. "Chismis straight from Alexia's baul. Alam mo naman 'yon, basta tungkol sa crush niyang Montevilla brothers, laging updated."

Ilang saglit din ang lumipas bago ulit ako nakapagsalita. Kahit naman sino, magugulat! Ano 'yon, kahapon lang ay ang lakas pa ng trip ni Sir Vren at kung anu-anong pang-aasar pa ang ginagawa sa akin, tapos ngayong umaga, pupunta na pala siya sa kabilang ibayo ng planet Earth?

"Gaano daw siya katagal doon?" mabagal na tanong kong muli kay Mavi.

"Siguro, mga isang taon. Actually, highly probable na rin naman daw kasi 'yong expansion project kaya malamang, mag-stay na siya roon nang matagal, to oversee the company's branching out."

Hindi ko alam kung paano pa ako nakapag-segue ng mga joke sa usapan naming 'yon ni Mavi, hanggang sa pareho kaming natatawang tinapos na ang tawag na 'yon. Dahil sa totoo lang, nang marinig ko kung gaano katagal maglalagi sa Canada si Sir Vren, pakiramdam ko ay parang nasa tuktok ako ng isang matarik na hagdan at bigla akong nahulog.

Ginawa ko pa rin ang mga usual kong ginagawa bago pumasok sa trabaho. And too soon after that shocking phone call, nagulat na naman ako dahil pagkalabas na pagkalabas ko mula sa aking apartment, nakita ko si Vince, naghihintay sa labas ng nakaparada niyang kotse.

"Hey, Mira. I came here to drive you to work," bati niya habang naka-flash na naman ang pang-toothpaste commercial niyang ngiti. "And I have news for you. My brother, right now, is on his way to Canada for some important business stuff."

"May nakapagsabi nga sa akin," matamlay kong sagot kay Vince. Hindi niya naman napansin ang malamya kong itsura at tuwang-tuwa pang nagsabi ng, "Guess what? I've adjusted my work schedule so that I can fetch you here and drive you to work, at masusundo pa kita after work hours."

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti.

If I'm being completely honest, ever since that day, I hardly paid attention to Vince... because all this time, I was waiting for his brother's return.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon