6: Vren

387K 5.8K 319
                                    

Ang tagal namang gamutin ni Vince si Miss Loudmouth!

Okay, sorry — I know I am such a meanie para binyagan siya nang ganyan. Pero totoo namang loudmouth siya. Para nga siyang si Lally, secretary ko. Kung hindi lang 'yon efficient, matagal ko nang sinisante 'yon dahil sa kaingayan niya.

Isa pa, alam kong wala akong galang dahil sa hindi ko pagtawag ng "kuya" kay Vince. Masyado kasing baduy para sa akin ang "Kuya Vince". We don't have much of an age difference, and mind you, there are times na mas mature pa ako sa kanya. He doesn't seem to mind the way I call him, at any rate, so there's that.

Sinilip ko ang kapatid ko habang ginagamot si Miss Loudmouth. Look at the idiot. Halata namang nagpapa-cute siya sa babaeng 'yon. At mukha namang kinikilig din ito sa pagpapa-pogi sa kanya ng kapatid ko.

"Bro, aren't you done with her yet?" Hindi na ako nakatiis, dahil naiinip na rin ako sa paghihintay rito sa labas. I gave my voice an edge para mahalata ng dalawa na naiinis na ako.

Don't they know my time is precious?

Fine, ako na ang panira ng moment nilang dalawa. Mukha kasing may balak pa silang magligawan habang naggagamutan — and Christ's sake, I didn't want to witness all that. Most of all, masyado nang na-delay ang mga gawain ko para sa araw na ito, dahil sa biglaang pagsulpot ni Miss Loudmouth sa buhay ko.

"Vren, couldn't you be more patient? Give me some moment to fix her face and arm. Tingnan mo nga itong si Miss, namumutla na. Akala yata ay tinakbuhan mo ang gastos sa pagpapagamot sa kanya." My brother snickered.

Aba, at nakuha pang magbiro ng loko.

"Dr. Vince Allen Montevilla, anong gastos ang sinasabi mo riyan? Kaya ko nga siya dinala rito ay dahil alam kong libre ang serbisyo mo," I answered him with a grin. Mangitian na nga si Vince kahit labag sa loob ko, dahil baka mamaya ay totohanin niya pa ang pagsingil sa akin.

Ano siya, sinuswerte?

"May I remind you, Atty. Vren Andrei Montevilla," he began, but I cut him off with a, "Don't forget the CPA." This made him roll his eyes.

"As I was saying, let me remind you na wala nang libre sa mundo ngayon. Pero sige, hindi kita sisingilin ng cash. I have some other payment mode put away for you."

Aba, at may balak ngang maningil ang magaling kong kuya.

Tiningnan ko si Miss Loudmouth habang inaasikaso ng kapatid ko ang mga gasgas niya sa mukha at braso. Medyo namumutla nga siya.

Baka gutom lang?

O baka tama si Vince — akala niya ay siya ang pagbabayarin ko ng pagpapagamot niya rito. The thought made me chuckle darkly.

Mga limang minuto pa siguro ang lumipas bago natapos ni Vince ang paggamot sa biglaan niyang pasyente.

"Bro, she's already okay!" my brother half-yelled. I went inside the room instantly.

"Thanks, bro. We need to go."

"Alright. Take care of Mira, okay?"

I shot Vince an annoyed look. Ganoon na ba sila kapalagay sa isa't isa at nakuha niya nang ibilin sa akin ang babaeng 'to?

"Come on, Loudmouth. Tell me where to drop you off, and then it's good riddance for both of us."

"Anong loudmouth ang sinasabi mo riyan, ha?" She was now staring daggers at me.

Me and my stupid mouth.

"Wala." I gave her a sarcastic grin. "Tara na, Miss."

"At sa tingin mo, sasama ako sa'yo?" gigil na sagot niya sa akin.

"Fine. Good luck sa pag-uwi habang ganyan ang sitwasyon mo." I gave her a cold look before heading back to the door.

"Hoy! At talagang magwo-walk out ka na lang?" she screamed.

Muli akong lumingon. "I thought you don't want to come with me?"

"E paano ako uuwi kung hahayaan mo na lang ako rito?"

I sighed exasperatedly. "That's what I was trying to tell you earlier. But you obviously don't want to spend another car ride with me, so that's your problem. Let me tell you, though — the feeling is mutual."

She glared at me, evidently realizing the catch-22 she was in.

"Make up your mind," I told her in a commanding tone. "Marami pa akong importanteng gagawin ngayong araw, Miss."

When she only continued glaring at me, I shook my head and decided to take matters into my own hand.

"Hoy! Bitiwan mo ako!" pinaghahampas niya ang braso ko habang karga ko siya. Tutal, hindi siya makapagdesisyon kung magpapahatid ba siya sa akin pauwi o hindi, bubuhatin ko na lang muli siya papasok sa aking kotse. "Let go of me, you stupid —"

"Quit hitting my arm!" I yelled at her. "Bibitiwan talaga kita!"

Nang hindi niya pa rin ako tinantanan nang kakahampas, inis na ibinagsak ko nga siya sa sahig.

"Aray! Bakit mo ako binitiwan?!" She glowered at me, nearly in tears as she massaged her backside.

"'Di ba, sabi mo, bitiwan kita? Sinunod lang kita."

"Siraulo ka pala, eh!"

"That's it! I've had enough." I glowered back at her. "Bahala ka na sa buhay mo. I'm out."

Bago ako tuluyang lumabas ng hospital room ay nilingon ko ang kapatid ko, na noon ay nagpipigil ng tawa habang inaalalayan si Miss Loudmouth para muling makatayo.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon