25: Mira

250K 3.3K 79
                                    

Sabi ni Freak, este, ni Sir Vren, pupunta kami sa Ayala-Montevilla Medical Center. ('Yon pala ang AMMC na sinasabi niya. Akala ko naman kung ano. Cue the eye roll here.)

Siyempre pa ay sumama ako, ano pa kundi para makita si Papa Vince. Aba, it's not everyday na si Sir Vren pa mismo ang maglalapit sa amin ng kapatid niya, 'di ba?

Maliwanag pa sa araw ang pagkakasabi ni Freak — AMMC ang pupuntahan namin. A. M. M. C.

So, ano ang ginagawa namin ngayon sa condo unit niya?

Siguro ay may kinalaman ito sa phone call na natanggap niya kanina, habang nasa biyahe kami.

Natural ay magugulat ako dahil instead na mag-landing ako sa harap ng aking Prince Charming na si Doc Vince, nandito ako ngayon sa isang building na mukhang replica ng Medialink dahil puro rin glass and metal ang makikita. Kahit pala sa residence niya, sharp and cold din ang taste nitong si Vren Montevilla.

"Sir, akala ko po ba, sa AMMC ang punta natin?" Obviously ay hindi na ako nakatiis na manahimik lang.

Tiningnan niya lang ako with an impassive expression habang binubuksan ang pintuan ng unit niya.

"Sir?" pangungulit ko. "Nag-change address na pala ang AMMC?"

"Jesus frickin' Christ. You just can't keep your mouth shut, can you?" sa wakas ay sabi niya.

"Wala eh, ganito talaga ako," pang-asar na sagot ko naman sabay kibit-balikat. "You owe me an explanation din naman, sir, kung bakit mo binulabog ang matahimik kong pagsa-soundtrip kanina sa office."

He rolled his eyes — still looking handsome as he did so. Unfair.

"I forgot something important, so we're here to get it. Ayaw naman kitang iwan sa kotse dahil baka mamaya, i-abduct ka ng mga kamag-anak mong alien."

Aba, tingnan mo nga naman talaga itong lalaking ito! Pinanganak talaga para wasakin ang dignidad ko!

"It will just take a few minutes, so don't worry," he continued, smirking at my outraged reaction. "Alam ko namang excited ka nang makita ang kapatid ko."

"Buti, alam mo," I muttered. "Kailangan ko ng pantanggal-umay dahil lagi ko na lang nakikita ang nakasimangot mong pagmumukha."

"You were saying?" He raised his brows innocently. Umirap naman ako.

Pumasok na siya sa loob ng unit niya, at sumunod naman ako. And what I saw literally stunned me.

His place is so neat, organized, and laid-back. Black-and-white abstract paintings were displayed on the immaculate white walls. There was a black leather sofa with just enough space for two persons. Sa isang sulok ng living area ay may naka-display ring white abstract marble sculpture. Tanaw ang mga nagtataasang building sa malaking glass window na kaharap namin, giving the place an urban ambiance.

I didn't expect this. Akala ko, isang mini-dumpsite ang bubulaga sa akin — magulo, makalat. Tipikal naman 'yon sa isang lalaki, hindi ba? Lalo na kung kasing busy ng isang may-ari ng kumpanya na kagaya niya.

But this place? It's a modern haven. Who knew I'd be seeing another side of Mr. Supladito today?

****

"Sir, ano po ba ang hinahanap niyo? Tanong lang naman po."

Kalahating oras nang naghahalughog sa kwarto niya si Freak, habang ako naman ay pinapanood lang siya habang nakasandal sa nakabukas na pintuan nito. Medyo naiinip na rin ako dahil ang sabi niya, ilang minuto lang kami rito, pero obviously ay hindi iyon nangyari.

Makita ko pa kaya si Papa Vince sa lagay na 'to?

"It's my planner. I list down my important commitments there, and now I've lost it. Where the hell could it be?" sagot niya na halatang frustrated.

Wow. Another surprising detail about Freak — he still keeps a list of his to-do's, kahit na kung tutuusin ay hindi na kailangan, dahil may secretary na siya. He clearly likes keeping things under his control, I guess.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Nasilip na nga niya ang halos lahat ng pwedeng mapaglagyan ng kanyang planner — drawers, table compartments, at kahit nga ang ilalim ng higaan niya.

Suddenly, I caught sight of the two black luggages situated near his closet. Sunod akong napatingin kay Sir Vren, at para bang nagkaroon kami ng mind connection dahil lumipat naman ang tingin niya sa mga maleta niya.

"Fuck. I think I finally know where it is." He exhaled, looking exhausted. "Nakalimutan kong dinala ko nga pala 'yon sa conference na dinaluhan ko sa Singapore."

Umupo siya sa kanyang kama at pinunasan ang pawis niya sa noo. Pagod na pagod ang mokong kakahanap, sa isip-isip ko. Bigla naman akong nakonsensiya dahil nakatitig lang ako sa kanya na animo'y supervisor habang naghahalughog siya sa kanyang kwarto.

"Ako na ang kukuha, sir. Parang mahihimatay ka na riyan sa pagod."

He looked at me with a mildly surprised expression — surely he didn't expect me to volunteer assistance. "Thanks," he said after a while. "I think it's in the smaller luggage. Wait here; I'll prepare something to drink. The hunt for that fucking planner left me exhausted, indeed."

****

Dahil nasa kusina na ang suplado kong boss — magtitimpla raw siya ng juice — naiwan akong mag-isa rito sa kwarto niya habang hinahanap sa mas maliit na luggage ang planner niya. It's a thick, black notebook, he said. Pero tila puro mga damit lang naman ang laman ng maletang ito.

Baka nasa inner pocket? O baka naman natabunan lang ng mga damit? I-check ko nga.

I removed the top layer of clothes to check if they, indeed, hid a planner from view. But instead of a black notebook, I saw something else that made me freeze.

OMG. I'm looking at Sir Vren's underwear!

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Sigurado akong mapula pa ako sa overripe na kamatis ngayon. Ewan ko ba, hindi ko naman first time makakita ng briefs and boxers, pero ang awkward ng nararamdaman ko ngayon.

Ano kaya ang itsura ni Sir Vren 'pag ito lang ang mga suot niya?

Lalo akong namula dahil sa kinatunguhan ng imahinasyon ko.

Hoy, Mira! Erase, erase! Those are bad thoughts!

They're simply the undergarments of a handsome twenty-six-year-old business tycoon — nothing more, nothing less. Walang rason para magkaganito ako.

Isasara ko na sana ang luggage at naghanda na rin akong isigaw kay Sir Vren na wala naman ang planner niya sa pesteng maleta na 'to. Dahil nakayuko ako habang naghahanap, nag-angat ako ng tingin — only to see my boss, already at the doorway, grinning like crazy as he looked at me.

"Sorry, I think I pointed you to the wrong luggage," sabi niya sabay lapag ng tray na may dalawang baso ng orange juice sa kanyang bedside table.

Kill me. Kill me now.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon