10: Vren

306K 4.8K 208
                                    

It's twelve o'clock and here I am, stuck in the heavy traffic.

You really are great, Vren. You've wasted your Monday morning.

Kakatawag lang ng secretary kong si Lally, to inform me that I had missed the hiring of our new employees. The minor positions were already filled in, dahil na-handle na ito ng HR. Pero dahil kabilin-bilinan ko na huwag magha-hire ng accounting department head na wala ako, pinostpone nila ang final interview ng tatlong most qualified applicants.

Mabuti na rin naman daw 'yon, dahil hindi nakarating ang "best bet" ng HR among the three applicants — sa hindi malamang kadahilanan. Tatawagan na lang daw ulit nila, to know the reason for her absence. Sayang, at siguradong magiging asset daw ng company ang aplikanteng iyon kapag nagkataon. So, it's worth giving her another chance, despite her being a no-show for today's scheduled interview.

Kung alam lang nila na nakadaupang-palad ko na ang "best bet" nila.

Yes, I'd finally put the pieces of the puzzle together. As it turned out, ang Mira na 'yon ang tinutukoy ni Lally na aplikanteng hindi nakarating dahil sa isang "hindi malamang kadahilanan".

Kung alam lang din nila na ang "kadahilanang" iyon ay dahil nasagasaan si Miss Loudmouth ng aking kotse.

Sino ba kasi ang tatanga-tanga na bigla na lang tumawid?

Ugh.

Alam kong mukha na akong baliw dito. Kahit ako, napapagod na sa pagre-replay sa utak ko ng mga nangyari kaninang umaga.

'Yong pagkakasagasa ko sa isang pedestrian na isa palang bayolenteng babae na muntik nang sumira sa salamin ng bintana ng kotse ko.

Hanggang sa pagkataranta ko nang makita kong napuruhan ang kanyang paa.

'Yong pagkaka-realize ko na papunta pala siya sa aking company for her final interview, dahil isa siya sa mga aplikante sa pagka-AD Head.

The ride to the hospital, kung saan talak nang talak si Miss Loudmouth, na may kasama pang paghihinala na may balak akong molestiyahin siya. Ginawa niya pa akong halang ang kaluluwa.

She and Vince meeting each other, which led to a happy conversation between them. Habang ako, parang tanga na naghihintay na matapos sila.

At sa huli, may paghatid pang naganap.

Palibhasa ay likas na palikero si Vince. Nakakainis.

Drive lang ako nang drive — gusto ko na ngang banggain ang mabagal na BMW sa harap ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatigil na ang kotse ko sa parking lot ng Medialink.

Yup, ganyan ako kawala sa sarili.

Badtrip, bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong naagawan.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon