16: Vren

263K 3.8K 37
                                    

Nakakaantok naman. Bakit parang nag-iba ang ambiance ngayong magkasama ulit kami ni Miss Loudmouth?

I would shoot her a glance every now and then, pero ganoon at ganoon pa rin ang nakikita ko. She's staring afar, like she was lost in her thoughts.

Ang lalim naman ng iniisip niya.

Siya ba talaga ang babaeng nabangga ko noong isang linggo? Baka naman clone lang ito ni Ms. Custodio. Maybe, this is her much subdued twin.

O baka naman masakit pa rin ang paa niya, only she couldn't find the guts to tell me so? I know I'm bossy, pero baka nasobrahan naman to the point na na-petrify siya dahil sa akin?

Ang sama ko naman masyado.

Pero teka, bakit naman bigla yata akong nagka-change of heart towards this woman? Muntik ko nang makalimutan na may plano pa nga pala ako.

Last na ito, just to get even sa pagtawag niya sa akin ng "freak". Aba, wala pang taong naglakas-loob na tawaging gano'n ang isang Vren Andrei Montevilla, ha? Palaging gwapo, matalino, mayaman, at perfect lang ang mga adjective na ginagamit para tukuyin ako.

Alright — here goes nothing.

I stepped on the car's accelerator, bringing it to full speed. Then I spared Miss Loudmouth a glance, and I almost laughed out loud at her shocked expression.

Then I did my favorite stunt – drifting. Nakita ko sa peripheral vision ko na napa-sign of the cross si Ms. Custodio.

Ha! I'm really enjoying this.

Tama nga ang hinala ko — sa kabila ng pagiging palaban ng babaeng ito, may pagkanerbiyosa rin siya. Imagine bringing a bottle of muriatic acid to ward off an unwanted night guest?

Suddenly, as if she couldn't contain this any longer, she yelled, "Baliw ka ba? Dahan-dahan naman sa pagmamaneho! Kung may balak kang magpakamatay, 'wag mo akong idamay! Marami pa akong pangarap sa buhay!"

Ngayon ay kitang-kita na sa mukha niya ang pagkatakot. Serves her right, I thought savagely.

For the finale, I gave her my signature grin and said, "'Di ba, sabi mo, freak ako?"

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon