1: Mira

1M 10.6K 721
                                    

This is it!

Siguro, mukha akong engot, 'no? Kanina ko pa kasi kinakausap ang sarili ko dito. Ganito talaga yata ako 'pag kinakabahan.

Sinubukan ko dati 'yung sinabi ng kaklase ko na kapag gusto mong mawala ang kaba sa dibdib mo, bumilang ka ng one to one hundred, with a twist. Pabaliktad. Okay naman sa simula, kaso, nung nasa 80 na ako, 'di ko namalayan na pasulong na ulit ang bilang ko. Nagtaka na lang ako kung bakit nasa 125 na ako. Sa madaling salita, wa epek yung suhestiyon ng kaklase ko.

Ms. Mirathea A. Custodio, CPA
Medialink Accounting Department Head

Ang sarap namang pakinggan ng soon-to-be-title ko! Siguro by next week, ito na ang nakalagay sa business card ko. 'Yon ay kung maipapasa ko ang job interview ko mamayang 9 o'clock sa Medialink Marketing, Inc. — one of the biggest companies in the country. Kapag nagkataon, six-digit salary ang kikitain ko per month. Maipapatayo ko na ang dream house namin nina Mama, mapupuno pa ang bahay ng mga high tech na appliance. Mapapalitan ko na ang outdated cellphone ko, pati na ang laptop ko na ilang dekada ko nang ginagamit.

Medialink, wait for me!

Makabiyahe na nga.

Tawid, Mira, tawid...

"Aaaahhh!"

Anak ni Mang Gusting Kartero — loko 'tong driver na ito ah! Teka nga at mabatukan!

Aba! Sosyal itong isang 'to ah. Naka-Audi! Mayaman...

O, eh ano kung mayaman?! Muntik na akong mapatay nito ah! Naka-lips-to-lips ko pa tuloy ang semento. Nabawasan sana ang lahi ng magaganda kung napuruhan ako!

"Hoy! Ikaw, driver ng Audi... Baba!"

Aba, ayaw tuminag ha? Tingnan ko lang kung katukin ko na nang bayolente ang bintana ng sosyal mong kotse!

"Bakla ka ba? Bakit ayaw mong bumaba ha?"

Wala akong pakialam kahit gumawa man ako ng eksena rito sa highway. Aba, naagrabiyado ako, 'no?

"What the fuck —" sabi ng engot na driver habang bumababa sa kotse niya.

Aba! Kung makamura ito, parang siya ang nadisgrasya, ah?

"Hoy! Wag mo akong murahin diyan, ha? Kung maka-react ka, parang ikaw ang nangudngod sa kalye, ah!"

Aray! Ang sakit talaga ng paa ko. Matingnan nga at baka kung ano na ang nangyari.

Dugo! Mama! Dumudugo ang paa ko!

Kung minamalas ka nga naman! Paano ako babiyahe nito pa-Medialink? Paano ang job interview ko? Tinamaan nga naman ng magaling, oo!

Ano ba kasi ang itsura ng siraulong driver na 'to? Mapicture-an kaya at mai-report sa LTFRB? O baka sa MMDA ko kailangang magreklamo?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Stupid Driver.

Tingnan mo nga naman. Parang wala lang nangyari, ah. May gana pang mag-pokerface! Talagang ginagalit ako!

"For your information, today is my job interview. And because of you and your lame driving skills, malamang ma-late na ako. Naku, tatanga-tanga ka kasing magmaneho! Anong feeling mo, exclusive subdivision ito na walang katao-tao ang daan?"

Tiningnan lang ako ng kumag habang naniningkit ang mga mata.

"O baka naman akala mo, nasa buwan ka at Moon Buggy ang minamaneho mo? Nasa gitna ka ng highway! Paano ako pupunta ngayon sa interview ko sa Medialink — ganito, iika-ika? Haharap ako sa CEO nila na mukhang sinumpang pilay?"

At this point ay napakatalim na ng tingin sa akin ni Stupid Driver. Pero ako pa ba, magpapatinag?

"Sinira mo ang kinabukasan ko! Paano pa matutupad ang pangarap kong maging accounting department head ng Medialink? Paano? Kayo talagang mayayaman! Hindi por que magara ang kotse mo —"

Natigilan ako nang tuluyan ko nang ma-absorb ang mukha ng lalaking nasa harap ako. Sigurado akong never ko nang matatapos ang litanya ko — ever.

Bakit kamo?

Ladies and gentlemen, in front of me stands the most drop-dead gorgeous man I ever saw in my twenty-four years of existence.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon