31: Mira

266K 3.4K 162
                                    

"Hoy, Baklita. Tigil-tigilan mo nga ako!" I looked at Alexia through narrowed eyes. "Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo. Tara nang bumalik sa office."

"KJ naman nito!" Sinimangutan ako ng bruha. "Game na, Mira! Let's call this game, The Big Reveal. Gora?"

"Papayag na sana ako, kaso, ang baduy ng napili mong pangalan," biro ko.

"Pagbigyan mo na si Alexia, Mira. Minsan lang naman tayo magkabukingan, eh. Tsaka if we really are to be best friends, we have to be transparent to each other," pangungumbinsi naman ni Mavi.

"True. Unless may dark secret kang itinatago?" sabi naman ni Hannah.

Tumawa naman ako. "Ako, may dark secret? Pagdating sa akin, what you see is what you get."

"Ganern?" Tumaas ang kilay ni Alexia. "Malalaman ba natin by just simply staring at each other kung ano ang type natin sa guys, kung naka-ilang dyowa na ba tayo, o kung sino ang first kiss natin? Ano tayo, psychic?"

Oo nga naman. May point siya do'n.

"Siya, sige na nga." Bumuntonghininga ako. "Game na, bago pa tuluyang maubos ang breaktime natin."

"Yes!" Alexia clapped his hands in glee. "Sige, dahil ako naman ang may pakana ng lahat ng ito, you can start with me," pagpapakadakila niya. "Remember, only one question per person. So, you have to ask wisely."

"Go na! Ang dami mo pang satsat!" pagtataray ni Hannah.

"Eto na nga! Napakataray mo talaga. May monthly period ka ba?" bwelta naman ni Baklita sa kanya.

"O, ayan na naman kayo! Mamaya niyan, kayong dalawa ang magkatuluyan," kantyaw ni Mavi sa dalawa.

"Eew! Over my dead, gorgeous body!" sabay na linya nina Alexia at Hannah.

At talagang pareho pa sila ng linya ha? Baka soulmates nga ang dalawang ito.

"Okay, I'll ask Alexia first." Mavi smiled impishly. "Alexia, anong reaksyon ng parents mo nang malaman nila na bakla ka?"

"Ay, ano ba 'yan. Ang baduy ng Q — parang ikaw lang," pambabara ni Baklita.

"Sagutin mo na lang!" Inirapan siya ni Mavi.

"Eto na nga! Hmm..." Alexia appeared to be thinking. "Noong umamin na ako sa parentals ko na isa akong sirena, 'yong mudra ko, hinimatay. Ako lang kasi ang nag-iisang lalaki sa magkakapatid — noon. Dahil ngayon, puro na kami girls." The four of us giggled. "Tapos si father dear naman, ayon, hinabol ako ng taga. 'Wag daw akong babalik sa poder nila hangga't hindi ako nagpapakalalaki. Pero asa naman na matitiis nila ako. After one month, pinauwi rin naman nila ako. Tanggap na raw nila ako."

"Ako naman ang magtatanong!" biglang pag-eksena ni Hannah. "Alexia, bakit ang pangit mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Alexia sa sinabi ng taratitat naming kaibigan. "Mana lang sa'yo. Chaka!"

Nagkatinginan kami ni Mavi at sabay na tumawa.

"Okay, my turn," I said when the laughter died down. "Alexia, nagka-girlfriend ka na ba?"

Pinandilatan din ako ni Baklita. "Eew! Of course not! Pagkalabas ko pa lang yata sa bahay-bata ng mudra ko, alam ko nang mali ang katawang napasukan ko — na dapat ay isang bouncing baby girl ako. Tinago ko lang ang totoong pagkatao ko dahil sa takot sa tatay kong maton."

Another round of giggles from our group.

"Si Hannah naman ang i-interrogate natin," sunod na suhestiyon ni Mavi. "Ako na lang ulit ang unang magtatanong. Hannah, may boyfriend ka ba ngayon?"

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon