Author's Note

380K 4.3K 194
                                    

Babala ng author para sa'yo na nagbabasa ng MBIAF: sa storyang ito ay may mga mababasa kang hindi tipikal na nangyayari sa totoong buhay. Kesyo six digits ang sahod ni Mira every month, o five hours inaabot ang drive ni Vren from his company to a province just near Manila, mga ganyang kaganapan. Ang aking payo — 'wag niyo pong seseryosohin.

Ang kwento pong ito ay produkto lamang ng aking imahinasyon. In other words, fiction. Imbento lang. Gawa-gawa lang. Trip-trip lang. (Any other synonyms you could offer?)

Kaya kung ano man pong ekstraordinaryong bagay ang inyong mabasa sa MBIAF, utang na loob po, 'wag niyo nang pansinin at seryosohin. Hindi niyo po ikauunlad kung iisa-isahin niyong ituturo ang mga kabaliwang pinaglalagay ko dito kaya palagpasin niyo na lang.

Kung ikaw ang tipo ng reader na madaling mag-react sa mga bagay katulad ng maling distansya mula Makati hanggang Laguna, maling monthly rate ng mga empleyado, o kesyo masyadong madaldal o suplado ang mga bida at kung anu-ano pa... Sa madaling-salita, kung masyado kang teknikal, hanap ka na lang ng ibang story na babagay sa panlasa mo.

Humor po ang story na ito so naturally, may mga kabaliwang taglay. Kung masyado kang seryoso, pahihiramin na lang kita ng World Almanac. 'Yon na lang ang basahin mo. Pero kung okay lang naman sa'yo na basahin ang kabaliwan ko, then read on. :)

****

Sa iyo naman na nagtatanong kung anong nangyari at bakit mula sa POV ng babae (Mira) ay naging POV naman ng lalaki (Vren) ang sunod na chapter, ipapaliwanag ko na sa'yo ang magiging kalakaran ng aking kwento. Ayaw naman po kitang lituhin. (Binasa mo na nga ang story ko tapos sasakit pa ang ulo mo. Hehe.)

Ang "My Boss is a Freak" ay isang dual-POV story. Ibig sabihin, dalawa lang ang characters na magna-narrate alternately ng kwento.

Ang concept na ito ay aking hinango sa librong "Flipped" ni Wendelin van Draanen (na eventually ay ginawang movie starring Madeline Caroll and Callan McAuliffe.)

Sa "Flipped", dalawa ang narrators ng kwento, ang bidang babae (Juli Baker) at ang bidang lalaki (Bryce Loski). Alternating ang kanilang point-of-view sa pagna-narrate ng story. Bale kapag binasa mo siya, Juli's POV—Bryce's POV—Juli's POV—Bryce's POV ang flow ng story.

Therefore, dahil nga in-adapt ko ang style ni WvD sa pagsulat ng kwento, i-expect mo, my dear reader, na ang magiging flow ng MBIAF ay Mira's POV—Vren's POV—Mira's POV—Vren's POV. Maliwanag po ba?

Kung oo, go ka na sa next chapter. Enjoy reading! :)

missflimsy

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon