35: Mira

240K 3.1K 63
                                    

"Mira, pssst!"

Matatakutin talaga akong tao kaya naman nang bigla kong marinig ang aking pangalan na sinundan ng pagsitsit ay agad na nagtayuan ang mga balahibo sa braso ko. Gabi na kasi at nasa female restroom ako, para mag-ayos bago ako tuluyang bumiyahe pauwi. Rush hour na at paniguradong hassle na naman ang magiging biyahe ko, but since I've never been good at driving because I easily get nervous, kahit malaki naman ang kinikita ko bilang accountant ay hindi ako kailanman sumubok bumili ng kotse. Maibabangga ko lang 'yon, panigurado.

Forever commuter na yata ang peg ni Mirathea Custodio.

Lumingon ako para hanapin kung sino ang tumatawag sa akin, pero wala namang ibang tao rito. Imagination ko lang siguro, dala ng puyat dahil sa kawalan ko ng tulog kagabi, kakaisip kay Sir Vren.

Yes, I've been thinking about my boss.

It's been several days since that EK escapade of mine with Mr. Montevilla, and contrary to my belief na dahil do'n ay magiging civil na kami kahit papaano ng boss ko, labis ang pagtataka ko dahil napansin ko na nitong mga nagdaang araw ay hindi ako masyadong pinapansin ni Freak dito sa office. And that includes the fact na hindi na niya ako pinapagalitan, tinitingnan nang masama, o binubulyawan.

Wala. None. Nada. Zero.

I kept on telling myself that I should be happy dahil after all, ito naman ang gusto ko, 'di ba? Na hindi na ako pag-initan ng masungit kong boss? Pero hindi ko alam kung bakit parang ikinalulungkot ko pa ang pagbabago ng treatment ni Mr. Montevilla sa akin. Ni tingnan ako, hindi na niya ginagawa. I mean, what happened to all those crazy rides and strolling at Enchanted Kingdom?

Muli na naman akong nakarinig ng pagtawag sa aking pangalan and to my holy horror, biglang may nag-materialize mula sa likod ko. Sa sobrang gulat ay napahawak ako sa dibdib, sabay sigaw ng, "Ay anak ka ng maligno!"

"Anak ng maligno? Me? Ang ganda ko naman for that description."

"Jusmiyo, Alexia, ikaw lang pala 'yan!" Gusto kong saktan ang patpating si Mr. Pinpin dahil sa panggugulat niya sa akin. "Teka, anong ginagawa mo rito, ha? Female washroom 'to, oy! Dapat, do'n ka sa kabila! Chupi, chupi!"

Alexia frowned at me. "Ito naman, grabe kung makapanakit ng damdamin! Female din ako, 'no? Say no to LGBT discrimination!" sigaw ng bruha na akala mo ay nagra-rally siya sa may Mendiola.

"Ewan ko sa'yong bading ka!" natatawang sabi ko kay Alexia. "Gabi na, hindi ka pa ba uuwi? Nauna na sina Hannah at Mavi, ah. Anong kailangan mo sa akin?"

"Ah, that?" maarteng dialogue ng kaibigan ko. "Good thing you make paalala to me! I was just trying to make pa-kwento sa'yo about your tweet, like, three days ago? Did Papa Vren really go with you to EK? So swerte! All the Medialink employees got gulat because of your tweet, alam mo ba 'yon, sis?"

I rolled my eyes while curbing a smile. "Alexia, kailan ka pa naging conyo, ha?"

"Just yesterday." Nagkibit-balikat naman ang loka. "Anyway, don't you change the topic, Mira! So, what really happened? Almost everyone here thinks that Papa Vren is making ligaw to you, but Mavi, Hannah, and I know better. We told them that your manliligaw is Doc Vince, not our CEO."

"Ang sakit sa tenga ng ka-conyo-han mo, Baklita," naiiling na sabi ko kay Alexia. "Akala ko naman, kung ano na ang sadya mo sa akin. Siya, labas na tayo rito. Ikukwento ko sa'yo ang lahat habang papauwi tayo."

****

"Ah, so that's the reason pala kung bakit may-I-go-out kayo ni Sir Vren that day," linya ni Alexia nang matapos ko siyang kwentuhan. "Kasi, may pinagdadaanan siya. Sana pala, ako na lang ang sinama niya to EK, 'no? I bet I can cheer him up better than you."

"Malandi ka!" Binatukan ko siya. "Tingin mo naman, sasama sa'yo si Sir Vren?"

"Malay mo lang naman," naka-pout na sabi ni Alexia. Tuluyan na kaming nakalabas ng Medialink at sa gulat ko, ilang saglit lang ay napamulagat at napanganga ang kaibigan kong bakla.

"Oh my... Mira baby, look at that guy! So hot!" tili ng bruha. "Wait, is that..."

Sinundan ko naman ng tingin ang direksyon na itinuturo niya, at muntik na rin akong mapasigaw dahil sa kilig.

Kaya naman pala ganoon na lang ang reaksyon ni Alexia... He was looking at my prince charming Doc Vince!

Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay agad akong kinawayan ni Doc. I waved back at him, silently telling myself to calm down. Pero sa gwapo ba naman ng nilalang na palapit sa akin ngayon, mukhang mahihirapan yata akong kumalma.

"Hey, Mira." With Doc Vince's navy blue polo, black slacks and leather shoes, malayong-malayo ang itsura niya ngayon sa nakasanayan kong "doctor get-up" niya. But if anything, seeing him in casual clothes just made him handsomer than ever.

"Doc Vince." Pinilit kong hindi mautal dahil diyahe, baka naman ma-turn-off si Prince Charming kapag bubulul-bulol ako. "What brings you here? Nakauwi na yata ang kapatid mo."

"Well, I'm not here to see Vren." He gave me a dazzling smile, and I felt my knees go weak. "I'm here to take you out to a dinner date, if it's okay with you."

"Dinner date? Shala!" I almost forgot about Alexia's existence, but when he squealed, agad akong napalingon sa kanya.

"Oh, I'm being rude!" I gave Doc Vince an apologetic smile. "Doc Vince, meet Alexia, a friend of mine. Alexia, meet Doc Vince."

"Nice to meet you, Alexia." Doc Vince extended his hand for a shake, at agad naman itong tinanggap ni Baklita. In fact, kung hindi ko pa pasimpleng kinurot ang tagiliran ng bruha ay hindi niya pa binitiwan ang kamay ng prince charming ko.

"So, Mira, dinner date?" muling tanong sa akin ni Doc Vince. "Sorry if I came here without any notice; nagkataon lang kasi na nagkaroon ako ng free time. And I instantly thought of you. " Sa sinabing 'yan ni Doc ay agad akong kinilig. Knowing how busy doctors are, him remembering to take me out on his free time instead of just taking the chance to rest is just sweet.

"But of course, if you want to rest, Mira, I won't mind at all. Ihahatid na lang kita pauwi," he continued. "I know how tiring a day's work could be."

"Ay hindi, go tayo sa dinner, Doc," agad kong sagot. "Tara?"

I could tell Doc Vince got really pleased with my answer, with the way he smiled and all. "That's great! Alexia, would you like to dine with us?"

Oh, no! That is a total panira ng moment!

Panicked by my prince charming's overly generous offer, agad kong nilingon at pasimpleng pinandilatan si Alexia. Paniguradong without my intervention ay agad na oo ang isasagot ni Baklita kay Doc Vince.

"Ah, eh, hindi na, Papa Vince!" Mabuti na lang at nakuha sa tingin si Alexia. "Pagoda na ang lola mo eh, so I'll go home and rest na lang."

"That's a pity. Maybe next time? See you around, Alexia." Doc Vince gave my friend a smile.

"Enjoy, Sissy! Bye, Papa Vince!" Alexia's farewell both made me and Doc Vince chuckle. Not long after, the two of us were already on the drive to our dinner date.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon