15: Mira

291K 4.2K 53
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na papunta na ako ngayon sa dream company ko — ang company na pinaglaanan ko ng matinding effort, the greatest of which is to quit my previous job.

Pero ang mas hindi kapani-paniwala ay kung paano ko na-meet ang aking future boss. Imagine, ito palang gwapo ngunit ipinaglihi sa galit na nakabangga sa akin ay siya palang CEO and owner ng Medialink?

Siguro, nakabuti na rin ang pagkabangga ko sa kotse niya, although akala ko ay mapuputulan na ako ng paa. At least, sa akin talaga napunta ang position na pinakaaasam ko.

Sabi kasi ng HR ng Medialink, bukod sa akin ay may dalawa pang pinagpipilian for the job of AD Head. Ang kutob ko, kaya ako na-hire ay dahil ito ang compensation ni Mr. Montevilla sa pagkakadisgrasya niya sa akin — because he can't say the word "sorry" directly. Tsk.

Pero parang may mali?

Case in point — last week ay bigla na lang siyang sumulpot sa apartment ko to personally say that I was hired, whereas pwede naman niya iyong ipaalam sa HR para sila na lang ang tumawag sa akin.

At ngayon naman, isinabay niya ako sa pagpasok. Ano kaya ang nakain ng lalaking 'to?

I fixed my gaze at him. He looked so handsome and respectable in his black suit, just like the first time we met. Seryoso siyang nakatingin sa daan, at halatang napakaingat niyang magmaneho. Baka naman ayaw niya lang madisgrasya ang kotse niya?

I was lost in my thoughts, nang biglang mamalayan ko na lang na pinapaharurot na pala ni Mr. Montevilla ang kotse niya, kaya naman nauntog ako sa may bandang bintana. Tapos ay bigla na lang siyang lumiko na akala mo ay nasa car race kami — drifting ba ang tawag do'n?

Napa-sign of the cross tuloy ako nang 'di oras. Bakit bigla na lang nag-feeling car racer ang lalaking 'to? Para rin tuloy nasa karera ang puso ko, dahil sa bilis ng pagtibok nito.

Mama! Ayaw ko pang mamatay!

Nang hindi pa rin nagno-normalize ang driving speed niya, I gathered all my wits and screamed at him.

"Baliw ka ba? Dahan-dahan naman sa pagmamaneho! Kung may balak kang magpakamatay, 'wag mo akong idamay! Marami pa akong pangarap sa buhay!"

He shot me a look, grinning as always, then said, "'Di ba, sabi mo, freak ako?"

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon