47: Mira

197K 3K 157
                                    

"Sis, anong problema? Para talagang hindi ka okay. Look at your face. You look like you're pinagsakluban ng heaven at ng earth. Para kang..." Saglit na tumigil sa katatalak si Alexia, sabay tingin sa katabi niyang si Hannah.

"Lovesick?" dugtong naman ni Chinita.

"Exactly!" sabi ni Alexia sabay thumbs-up.

"Mismo," pagsabat naman ni Mavi sabay tango.

"Ano ba kasi talaga ang problema, ha, Mirathea?" in chorus na tanong ng tatlo.

"Wala nga..." Umiling ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na okay lang ako?"

"And did you think for a second na maniniwala kami sa'yo?" pagmamatigas ni Hannah. "We can't even remember kung kailan ka nagsimulang maging matamlay nang ganyan. Ano ba 'yan, family problem? Utang problem? O baka naman may pangmatagalan kayong LQ ni Doc Vince?"

"Hannah." Bumuntonghininga ako. "My folks and I are in very good terms, FYI. And excuse me lang, utang-free po ako. As for me and Vince, paano naman kami magkaka-LQ kung hindi kami?"

"Naku, naku! Lokohin mo nga ang lelang mo, Mirathea!" Pinandilatan ako ni Alexia. "Hindi pa kayo niyan ni Papa Vince, e daig mo pa ang may sariling kotse dahil araw-araw kang pinapag-drive ng isang gwapong doktor to and fro. If I know, isang taon mo na sigurong nililihim sa amin ang relasyon niyo. Anong klase kang kaibigan?"

Tinuktukan ko si Baklita. "Hindi nga kami, 'wag kang makulit! Ayoko lang maging rude kaya hindi ko matanggihan ang paghatid-sundo niya sa akin, kasi kahit anong pagtanggi ko, sige pa rin siya sa pagiging personal driver ko. But if I had my way, matagal na akong balik sa pagko-commute."

"Really, Mira?" tanong ni Mavi. "Sa pagkakatanda ko, matagal mo nang pinapangarap ang setup na 'yan. You know, Doc Vince driving you to work and all? Ang romantic kaya, todo-effort 'yong tao."

"Korek!" linya naman ni Hannah sabay turo sa akin, or maybe she was just showing off her brand-new nail art? "'Di ba, matagal mo nang pantasya si Doc Vince?"

"Dati 'yon, Han," sagot ko sa kanya sa isang malungkot na boses.

"Sige na nga, hindi ka na namin kukulitin," sabi ni Mavi sabay lisik ng mata kay Alexia, na noon ay magsasalita pa sana. "Basta, 'pag kailangan mo ng kausap, nandito lang kami, ha?"

"Trulalu at walang halong eklavu!" hirit ni Alexia. "Tara nga, group hug tayo! Lagpas one year na kaya tayo — ang PPGNG!"

"PPGNG?" nagtatakang tanong naming tatlo kay Baklita.

"Power Puff Girls 'N Gay!" nakangising sagot ng bruha sabay yakap sa amin ni Mavi. "Hoy, Hannah Marvilla! Mamaya na 'yang mga kuko mo! Group hug muna tayo!"

Engulfed in my friends' arms, I felt very grateful. Mabuti na lang talaga, kasama ko ang tatlong kaibigan ko. Somehow, my loneliness from missing Sir Vren was lessened, knowing that I have Mavi, Alexia, and Hannah to comfort me throughout this long wait.

****

Matagal ko ring sinubukang kontakin si Sir Vren pero napagod na lang ako dahil ni isang reply sa mga texts o sagot sa mga tawag ko, hindi niya ginawa. Kahit ang work email niya, tinadtaran ko na ng messages pero wala yata talaga siyang balak na magparamdam sa akin.

"MB..." Parang tanga ako habang nakahiga at kinakausap ang pink teddy bear ko. "Kailan kaya siya babalik, 'no?"

Kanina, imbes na ihatid ako sa apartment ko mula sa Medialink office, sinundo ako ni Vince para dalhin sa isang lugar na kung tawagin niya ay "somewhere special". Nilagyan niya pa ako ng blindfold at tinanggal lang ito nang nasa loob na kami ng sinasabi niyang espesyal na lugar. Pagkatanggal ng blindfold ay nakita kong isa palang yacht. Nagkalat ang mga rose petals sa sahig ng yate at kasabay ng pagpasok namin ay ang pagtugtog ng slow instrumental ng kantang "Everything" ni Michael Bublé mula sa ilang violinist na kinomisyon ni Vince. Naghihintay sa isang table for two ang special dinner na ipinahanda niya para sa aming dalawa.

"Mira, it's been over a year. Don't get me wrong, I'm still willing to wait. But I just want to try and ask you again this time." Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako nang mata sa mata. "Will you be my girlfriend?"

"Sorry, Vince..."

Ngumiti lang siya nang tipid. He attempted to start small talk, but the conversation died as we progressed through dinner. Hindi ko nga naubos ang pagkain dahil wala talaga akong gana.

Sa totoo lang, naaawa na rin naman ako kay Vince dahil tama siya, higit isang taon na siyang nanliligaw sa akin. Paulit-ulit na lang niyang pinaghahandaan ang mga "somewhere special" na pinagdadalhan niya sa akin sa tuwing susubukan niya akong tanungin kung pwede bang maging more than friends na kami.

Paganda nang paganda ang mga pinipili niyang venue at kung ano-anong gimik na lang ang ginagawa niya para mapasagot ako ng "yes" — fancy restaurants; e-billboard sa tabi ng Medialink na may nakalagay na, Mira, I love you. Be my girlfriend; flash mob na sa dulo ay may mga nakahawak ng gigantic letters na bumubuo sa I LOVE YOU, MIRA; and there's even that time he went out of his way to show me a plane, na habang lumilipad ay may nakakabit na banner na may picture ko at may caption na, I love this girl.

Paulit-ulit ko rin siyang tinatanggihan at sinasabihan na itigil na ang panliligaw sa akin, but if Vince was anything, it was that he was persistent. Everytime I rejected him, he would just smile and say, "Maybe you're not ready yet."

Sigurado akong gusto na akong sabunutan ng bawat babaeng nagkakandarapa kay Vince dahil napakamanhid ko yata para hindi pa mahulog sa lahat ng sweet efforts na inilalaan niya sa akin. Kaso wala e, kahit anong pilit ko na ibaling sa kanya ang nararamdaman ko, ayaw pa ring sumunod ng aking tangang puso.

Hinihintay pa rin kasi ni Stupid Heart na bumalik ang mas nakababatang Montevilla.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon