41: Mira

242K 3.4K 178
                                    

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako habang binabantayan si Sir Vren. At hindi lang 'yan — nanaginip pa ako.

Sa panaginip ko, nasa isang magandang lugar ako na puno ng fairy lights at mga bulaklak. Gabi na at nakaupo ako sa damuhan habang katabi ang isang lalaki na kahawak-kamay ko. We're checking out the night sky glittering with clusters of stars, until a flash of light struck the deep black sky, followed by another, hanggang sa magsabay-sabay na ang mga ilaw na para bang mga angel na naghahabulan sa langit.

We're watching a meteor shower.

I could've sworn na naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa kamay ko ng lalaking katabi ko. Lilingunin ko na sana siya, para makita kung sino ba ang taong ito na kasama ko sa isang napaka-romantic na setting, nang bigla namang may gumising sa akin.

Si Sir Vren, nakatingin sa akin, halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok at napaka-fresh ng amoy. Instead of his PJs, white t-shirt at jeans na ang kanyang suot.

"Hey, get up. We're going out for lunch."

Kahit kailan talaga, wrong timing ang lalaking 'to. Kung kailan naman mare-reveal na kung sino ang man of my dreams, saka naman niya ako ginising!

"What's up with the grumpy expression? You look like you've been robbed of something." His brows were now raised, and his lips were pursed as if to hide a smile.

Oo, sir! Ninakawan ako! Ninakaw mo ang pagkakataong makilala ko ang literal na man of my dreams!

Pero dahil alam kong magmumukhang tanga lang ako kapag nag-emote ako dahil sa isang naudlot na panaginip, sinabi ko na lang, "Sorry po, sir. Nakatulog pala ako."

"Hey, it's okay. Would you like to freshen up before we go out for lunch?"

Aba, kalmado siya ngayon ha? In fairness. Hindi ba, kapag may pagbabago sa isang tao, tinatanong kung anong nakain niya? Baka sa kaso ni Sir Vren, ang sopas na niluto ko ang nakapagpahinahon sa kanya.

****

Sa isang Chinese restaurant namin napiling mag-lunch ni Sir Vren. At dahil yamanin ang kasama ko ngayon, halos mapuno lang naman ang table namin ng iba't ibang Chinese dishes dahil paborito rin pala ng boss ko ang ganitong tipo ng pagkain.

Akalain mo 'yon, may common denominator din pala kami ni Sir Vren?

Kasalukuyan akong lumalantak ng siomai nang mapansin kong nakangisi sa akin si Sir Vren. Tinaasan ko siya ng kilay.

"For a woman your size, I didn't expect you to be such an enthusiastic eater."

I made a face at him. "Ginutom ako sa pag-aasikaso sa'yo."

He chuckled, but the happy sound quickly faded. "Do you really like my brother, Mira?"

Natigilan naman ako. "Crush lang," pagkaraan ay sagot ko sabay kibit-balikat.

"Really? You act as if you are madly in love with him," sabi muli ni Sir Vren na noon ay seryosong-seryoso na ang mukha.

Hindi ko namalayan na umiiling na pala ako.

To be honest, nagulat din ako sa isinagot ko sa kanya. I should be defending Doc Vince. I should be admitting that I am in love with him, that I like him, and that he is a hundred-percent future boyfriend material.

Except that I didn't feel like answering any of those things.

Other than being my crush, Doc Vince being my boyfriend (or husband, gaya ng dati ko pang pinagpapantasyahan) didn't feel right to me. Parang... parang hindi siya ang lalaking sasakay sa mga trip ko tulad ng biglaang pagpunta sa amusement park. And worse, parang hindi siya ang tutupad sa panaginip kong manood ng meteor shower habang hawak-hawak ang kamay ko.

Ang weird ko naman ngayon. Ay, ewan!

Tiningnan ko ulit si Sir Vren, only to find him gazing at me with such a scrutinizing expression. Para bang sinusubukan niyang hulaan kung ano ang nasa isip ko.

Buti na lang, nauna ulit siyang magsalita, dahil sa totoo lang ay bigla akong naubusan ng sasabihin sa hindi malamang kadahilanan.

"You know what, I miss singing."

I blinked, thrown off by the sudden change of topic. Hindi ko inaasahang mag-o-open up sa akin ngayon si Sir Vren.

"Nabanggit nga sa akin ng kapatid mo na kumakanta ka dati, sir. Bakit ka tumigil?"

He smiled, but it didn't quite reach his eyes. "Guess I'm too busy managing the company to do anything else."

"Hindi naman masama kung once in a while, maglilibang ka rin," sagot ko sa kanya. Kung may taong perfect embodiment ng salitang "workaholic", walang dudang si Sir Vren 'yon. And in a way, naaawa ako sa kanya. Alam ko na ngayong ginagawa niya lang ang lahat ng ito para maging proud sa kanya ang parents niya, lalo na ang kanyang dad.

"Like going to an amusement park?" He smirked.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Exactly."

"Tell me, what happened to your wizard stuff toy?" Ngayon ay nakangiti na siya nang nakakaloko.

"Ayon, buhay pa. Yapos ko sa pagtulog." As soon as I said that, my cheeks turned red. Wala naman kasi akong planong i-share 'yon sa kanya. Baka mamaya, kung ano pa ang isipin niya.

As expected, tumawa si Sir Vren. "Really? That old wizard is your sleeping companion?"

Pinandilatan ko siya. "Bakit, masama?"

"I didn't say that. I'm just surprised to learn that you cherish that stuff toy. Your childishness is cute." Bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin na para bang may sinabi siyang nakakahiya.

Natahimik din ako sa sinabi niya.

Cute daw ako? Ha! Hearing that was like an achievement, as it came from a self-absorbed and narcissistic person like him.

Pero para hindi niya sabihing feelingera ako, binato ko siya ng table napkin.

"What was that for?" gulat niyang tanong.

I glared at him. "Para 'yan sa pag-degrade ng pagkatao ko."

"What are you talking about? I actually complimented you!" he replied with a matching scowl.

Here we go again. Just when I thought na kaya naman pala naming mag-usap nang mahinahon ng taong ito, balik na naman kami sa aso't pusang sitwasyon.

"So, kailangan ko bang mag-thank you?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"No. Just shut up," pagsusuplado niya naman sa akin.

Imagine, nandito kami sa isang fine dining restaurant, tapos ganito kami mag-usap?

Bigla namang pumasok sa isip ko ang date namin ni Doc Vince. I pictured myself as this overly demure girl — far from the glaring, scowling, smirking girl that I am now — all because I was trying to make a good impression to the man I was supposedly crazy about.

Pero ngayon, habang kasama kong magtanghalian ang mortal kong kaaway who happened to be my boss, heto ako, balik sa suplada at loka-lokang si Mirathea.

And then I realized something. 'Yong babaeng kasama ni Doc Vince — mahinhin at 'di makabasag-pinggan — hindi ako 'yon.

Ito ang tunay na ako, kasalukuyang nakikipagbangayan sa boss ko. And as funny as it may seem, I can be myself — even my worst self — when I'm around Vren Andrei Montevilla.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon