21: Mira

277K 3.8K 132
                                    

Hey, Mira. Hope you liked the gifts I asked Vren to give you. Take care of yourself for me. ;) — Vince

Kung wala lang ako sa office ngayon, siguro ay nagtatalon at umirit na ako. Imagine, first time na naka-receive ako ng text message galing kay Papa Vince, at 'yan pa ang laman? Abot yata sa Andromeda Galaxy ang kilig ko!

Pero teka, ano 'yong sinasabi ni Papa Vince na may ipinabigay siya for me? Wala namang iniaabot sa akin si Freak, ah?

Oops, sorry. Si Sir Vren pala.

I hurried to our CEO's office to claim Vince's gift from him. Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon — hinahadlangan pa ang love story namin ng kuya niya! Pero gaya ng mga bida sa mga teleserye, siyempre ay hindi kami magpapapigil ni Papa Vince.

Fight kung fight!

"Hi, Lally!" bati ko sa secretary ni Freak.

"Hi, Ma'am Mira," nakangiting sagot sa akin ni Lally. "Anything you need po?"

"Just checking kung merong importanteng ginagawa ngayon si Sir Vren? May sasabihin kasi ako sa kanya."

Sinipat-sipat muna ni Lally ang tablet niya na naglalaman yata ng schedule ni Freak. Tapos, para makasigurado, tiningnan niya rin ang notebook na nasa harap niya.

"You're lucky, Ma'am Mira. Sir Vren has no appointments until two o'clock."

"Great! Can I go inside, then?" naka-puppy-eyes kong tanong kay Lally. Common knowledge kasi sa aming mga empleyado na hindi basta-basta nagpapapasok si Freak sa kanyang opisina. Dapat, lahat ay dumaan muna kay Lally.

"Sure, Ma'am." Kinindatan naman ako ni Lally. "Malakas po kayo sa akin."

****

After makalagpas sa desk ni Lally ay isang automatic metal door na ang magli-lead sa'yo sa kinaroroonan ng owner slash CEO ng Medialink. Ang big-time ng title, 'di ba? Pero para sa akin, siya pa rin si Stupid Driver slash Freak.

Nang makita niyang ako ang pumasok sa opisina niya, kaagad na umaskad ang mukha ng mokong. "What do you want?"

Nginitian ko naman siya nang pagkalapad-lapad, para lalong maasar. "Hi, Sir Vren! May ipinabibigay raw po si Doc Vince sa akin?" I asked sweetly, kahit sa isip ko ay gusto ko nang hampasin ang gusot niyang pagmumukha.

"Oh, that. Here." He unceremoniously shoved a pink paper bag to my direction, his expression that of distaste. "Para kayong high school students. Chocolates and stuff toy... what's next? Love letters? Pathetic."

"At least, happy. Eh ikaw po, Sir? May rason ka ba para ngumiti? Sige ka, maagang kukulubot ang mukha mo. Lagi kang nakasimangot," sagot ko sabay kuha sa paper bag.

He smirked. "Kindly tell my brother to stop this idiocy. I'm a businessman, not a mailman."

"Tell him yourself, Sir." Lalong naging mapang-asar ang ngiti ko. Tumalikod na ako para lumabas ng opisina niya, at naiwan ang mokong na simangot na simangot.

****

It's lunchtime. Kasalukuyan kong kakwentuhan ang mga kaibigan kong sina Alexia at Mavi.

"Guys, I told you naman 'di ba? Pag tayo-tayo lang, Mira na lang ang itawag niyo sa akin. Naiilang ako kapag mina-ma'am niyo pa rin ako. Parang 'di tayo magkakaibigan."

"Sure, Mira!" energetic na sagot ni Alexia.

"Are you sure about this, Ma'am?" nag-aalangan namang tanong ni Mavi. "Baka may makarinig sa amin at sabihin na wala kaming galang sa department head namin."

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon