17: Mira

301K 4.1K 87
                                    

"'Di ba, sabi mo, freak ako?"

"'Di ba, sabi mo, freak ako?"

"'Di ba, sabi mo, freak ako?"

Ayan na naman ang utak kong mahilig mag-replay. Namumuro na ito, ha? Masama yata sa kalusugan kapag napapalapit ako kay Vren Montevilla.

Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko, dahil sa bigla-bigla niyang pagmamaneho na akala mo ay hinahabol kami ng pulis. And given the idea, baka nga kung nagkataon na may pulis sa highway kanina ay hinabol na kami — sa bilis ba naman ng driving speed ng lalaking ito kanina?

"Hey, dummy. Are you just gonna stand there for eternity?"

Anong sabi niya — dummy? Pasalamat siya, boss ko na siya ngayon kaya hindi na uubra ang screaming schemes ko sa kanya.

And wait... Nasa Medialink na pala kami? Ganoon na ba ako kalutang kaya hindi ko namalayang nasa entrance na kami ng pinapagpantasyahan ko lang dati na maging workplace ko?

"You call me a freak yet there you are, staring blankly like a lunatic," pang-iinsulto na naman niya. I narrowed my eyes as a sign of protest.

Tumawa naman ang mokong, at alam kong nag-eenjoy siya dahil hindi na ako makaalma sa kanya ngayon.

"Come on," he said bossily. "You have a busy day ahead."

Without further ado, I followed him.

****

I gazed around the lobby of Medialink, habang ina-absorb kung gaano kaganda ang kabuuan nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na araw-araw ko nang papasukin ang engrandeng building na ito.

The whole place reeks of sharpness and formality — imagine how smart the ambiance of Medialink is. People were milling around in purposeful strides, mga walang pakialam sa isa't isa na para bang may invisible na naka-post na "Mind Your Own Business" sa noo nila.

Malaking kompanya rin namang maituturing kung saan ako dati nagtrabaho, pero kung ihahambing ko ito sa Medialink, nagmumukha iyong small-time. There's no question about it — Medialink is indeed one of the leading companies in the country. The building alone speaks for itself.

A woman wearing a rather edgy corporate attire, most likely a receptionist, ushered us in with a friendly expression.

"Good morning, Sir Vren," bati ni Ateng Receptionist na feeling ko ay may halong pagpapa-cute sa boss namin.

"Good morning," sagot naman ni Freak, without even checking kung sino ang bumati sa kanya.

Halatang nabawasan ng energy si Ateng Receptionist dahil sa unenthusiastic greeting sa kanya ni Mr. Montevilla, pero nagawa niya pa rin akong batiin ng, "Good morning, Ma'am —"

"She's Ms. Mirathea Custodio, our new Accounting Department Head," our boss supplied.

"Good morning, Ma'am Custodio," pag-uulit ni Ateng Receptionist sa bati niya. "I'm Allaine Arguelles, head receptionist of Medialink."

"Good morning, Allaine!" masiglang bati ko naman sa kanya na may kalakip na ngiti. Siyempre, dapat mag-establish ng good terms with my co-workers here.

Hindi ko namalayan na papasok na pala ng elevator si Mr. Montevilla. Sa pagkataranta ko dahil baka mawala ako at hindi ko pa kabisado ang lugar na ito, bigla akong napasigaw ng, "Hoy, Freak, hintayin mo ako!"

Oops.

Nagtinginan sa akin ang lahat — I repeat, lahat — ng mga tao na nasa lobby.

Ugh. Nakakahiya!

Mabilis pa sa alas-kwatro ang naging pamumula ng mga mukha ko.

Sa wakas ay ibinalik ko ang tingin ko kay Freak, na noon ay hindi nga sumakay sa elevator. Pero nagsisi ako na tiningnan ko pa ulit siya, nang makita ko kung gaano katalim ang titig niya sa akin. Tipong mukhang lalamunin na niya ako nang buhay.

"Ah, eh... Sir Vren, will you kindly wait for me?" I tried giving him what I hoped to be a winning smile, ignoring the stare of every other person around us.

Wala nang lingon-lingon na tumakbo ako papalapit kay Mr. Montevilla. Bahala na kung kainin niya ako nang buhay mamaya — at least ay nakawala na ako sa atensyong ibinibigay sa akin ngayon ng lahat ng mga tao sa paligid ko.

Kaya lang, bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa paa ko. Yes, hindi pa tuluyang magaling ang aking napakagandang paa — ganoon siya katinding napuruhan, kagagawan ng magaling na lalaking boss ko na ngayon.

Matutumba na sana ako nang bigla kong maramdaman na may nakahawak na sa braso ko, saving me from another disgrace na mangyayari sana kung nadapa ako sa kalagitnaan ng pagtakbo ko. I looked up to see a very handsome face gazing down at me.

"Sorry, I should've waited for you."

"Thanks," I breathed out.

Did he just say sorry to me? Marunong din palang humingi ng tawad si Mr. Montevilla.

"Come on, hinihintay na tayo ng mga taga-Accounting Deparment. I bet they are very eager to meet their new boss."

Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay kami sa elevator. Tapos ay muli siyang nagsalita.

"Make sure you won't call me names again, especially here in my company. Respect is very important to me, Mira."

****

"How is your foot? Do you want me to bring you to the clinic before doing anything else for the day?" tanong ni Mr. Montevilla nang nakalabas na kami mula sa elevator. Nasa second floor na kami, at sabi niya, itu-tour niya muna ako so I can get acquainted sa bago kong environment. Nagtataka naman ako sa tour thingy na ito dahil pwedeng-pwede niya naman itong iutos sa, let's say, isang taga-HR.

Ay, ewan! May pagka-weirdo talaga itong isang 'to.

"'Wag na po, sir," I replied, emphasizing the last word. "Okay lang ako."

"Alright. Then remove your shoes." Sa gulat ko ay lumuhod ang mokong, on one knee, sa harap ko.

Hala, ano na naman ang trip nito?

"I think your shoes are too high. Your right foot is still a bit swollen, so you must refrain from wearing stuff like this," komento niya habang sinisipat ang pink wedge ko. "Actually, Ms. Custodio, I think you should go barefoot."

Ano raw?

"Magpapaa ako?" I replied, dumbfounded.

"Mamili ka, you still get to wear those heels but I'll literally carry you to the clinic, or you'll just go barefoot and spare yourself from the embarrassment?"

Siraulo talaga 'to. Kung hindi ko lang ito boss...

"Sige po, magpapaa na lang ako," I grudgingly replied.

"Good. Ayoko naman talagang buhatin ka. You look like you weigh a ton."

"Aba!" pag-alma ko. Tumawa naman nang mapang-asar ang mokong, bago nagsimulang maglakad palayo.

Nagmamadali namang hinubad ko ang mga sapatos ko at binitbit ang mga ito. Siyempre pa ay sinundan ko si Freak — what else is there to do?

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon