4: Vren

360K 5.8K 91
                                    

Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng ito, ha?

Kanina pa niya ako sinisigawan, at nagtataka nga ako kung bakit hindi pa siya napapaos. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Ikaw nga ba naman ang mabangga.

"Psst, Stupid Driver! Saan mo ako dadalhin?"

What did she just call me?

"Who are you talking to?" I asked, giving her a quick glance with my most innocent expression.

"Malamang, ikaw! Alangan namang 'yong manibela ang kausap ko, 'di ba?" she replied, glaring at me.

"Ah, ako pala. Well, Miss, here's a request — can you please just shut up?" I told her pointedly.

"Hoy! Wag mo akong ma-shut-up-shut-up ha? For your information, may karapatan akong magtanong kung saan mo ako dadalhin. Mamaya pala nito, momolestiyahin mo na ako. Mahirap na!" she said, with matching apprehensive face.

I shook my head, tired of her presence. Bukod sa pagkamadaldal, may pagka-OA rin pala ang babaeng ito. Gagawin pa akong kriminal nang 'di oras.

Finally, we're here. Makakawala na ako sa loudmouth na ito. Thank goodness.

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon