Book II - END

83.9K 1.2K 163
                                    

13

Yan! Tinapos ko na….Hope you will like the ending, ito ang pinaka korning suggestion ni Ruel!

******

Lahat masaya para sa kanila ni Aron Miguel, mga kaibigan, kamag-anak, kasambahay, kasama sa trabaho, lahat lahat na. Ang Papa nga niya na talagang dinibdib na natalo siya ng lalaking mahal ay naging masaya na rin, siyempre naman no!

Di na rin siya bumalik ng Canada, obvious naman kung bakit. Basta ang alam niya at feel niya na happy ending na talaga. Pero bakit di na nagparamdamdam si Boyfriend ng tungkol sa kasal…ulit? Ayaw na ba nito? Nagbago na ba ang isip niya? E alangan namang siya na babae pa ang magbigay ng hint na like niya nang lumagay sa magulong buhay? Hehehe.

PEro actually, naiinis siya, minsan talaga, o madalas kaya, itong si Aron Miguel, tatanga tanga pagdating sa love. Kung gaano siya kagaling sa pagpapatakbo ng negosyo, ganun naman ito ka slow pag dating sa kanya. Tulad ngayon…

Since tumutulong na siya sa Kuya Carlos niya sa pagpapatakbo ng negosyo, madalas nasa Davao siya, ganun din ang nobyo, so siyempre, sabay silang nagdidinner, as usual, siya ang nasusunod, sa Jollibee! Walang eepal. She was looking at that cute baby boy na pinapakain ng Mama nito.

“What are you looking at, Irog?”

“Ang cute ng baby, Boyfriend.”

“Mas cute ako jan nung baby pa ako.”

“Di naman ah, I saw your family pictures, di ka kaya cute. Kung magkakaanak kaya tayo, ka sing cute niya kaya?”

O di ba? Paramdam na kaya yun, na gusto na niyang magkapamilya. Pero wala pa rin, di na gets ng nobyo.

“Siguro. Cute naman tayong dalawa, so baka cute rin.” Inosente pang sagot nito.

“Ah! Parang ang ganda ng may baby na ano?”

“Yup! Masaya pag may baby, siyempre may magpapatawa sayo at may kakatuwaan ka na.” Ang manhid lang. Di ba pwdeng ang itatanong niya ay, gusto mo gumawa tayo ng baby? Syete! Mali, may naalala siya eh. Di na nga naulit, kainis! Hehehe. Gustong maulit?

Haiz! Waley! Slow! At dahil jan, nainis si Candice.

“uwi na nga tayo.”

“Ha? Di mo pa nga nauubos ang kinakain mo, uuwi na tayo.”

“Oo! Nawalan na ako ng gana.”

“bakit? May sakit ka ba Irog?”

Oo, sumasakit ang heart ko sa kakaisip kung kailan mo ako yayayaing magpakasal ulit. Kahit siguro pinakapangit pa na proposal ang ibibigay niya, tatanggapin niya. Kahit simpleng tanong lang na, pakasal na tayo Irog, mag yeyes na siya, pero wala eh. Kaya nakakainis!

Kung kailan ok na sa Papa niya, kung kailan smooth sailing na ang relationship nila, saka parang walang balak magpropose. Iwanan kaya niya ulit?

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon