25

84.4K 896 14
                                    

25

Siyempre dahil beach eh ligo hangang magsawa ang peg! Pero si Boyfriend  eh parang sundalo na bantay ng bantay, nakaswimsuit ang Irog niya pero  naman laging may dalang pang cover ng katawan kuno. Nagrereklamo pa dahil sa tattoo niya on her upper behind. Masyado yatang conservative, hindi raw bagay sabi ni Ruel. Ito naman halos lumuwa ang mata sa katabing si Dyanne, nagpapakipot na masyado na raw nitong inabuso ang kanyang precious body. Nakakatuwa talaga.

Ang Mama at Papa naman ni Aron ay sweet pa ring tignan kahit may edad na,sana ay ganon rin sila ni Aron, o di ba, ngarap lang?

Masaya ang lahat nang pauwi na sila galing ng Samal Island, that place is really memorable, babalik sila dun for sure, siyempre.

Siyempre, sa kotse siya ni Aron Miguel sumakay, nakisakay lang naman siya kina Marcus at Alexie nung papunta, wala kasi siya sa mood na dalhin ang sasakyan niya.

Simula pa kahapon ay napaka sweet na ito. Lalanggamin na raw sila sabi ni Marcus.  Sabagay, tama naman talaga, mas sweet ito nung naging sila kesa nung nanliligaw pa ito. Parang nagyon lang nagka girlfriend, kantiyaw pa ni Ruel.

Wala namang pakialam ang Irog niya, basta puro lang ito hawak ng kamay, yakap, pag nakakuha ng timing nanghahalik. Aba, parang adik lang.

Adik sayo, sabay sabi. Siguro nga, ganito pag in love, wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, sa mga tao sa paligid, basta masaya kayong dalawa.

“Irog?”

“Hmmmm.” Nakapikit si Candice, napagod kasi siya sa biyahe.

“Balik ka na sa office.”

“Ayaw ko.” Parang bata niyang sagot.

Di niya makita ang expression ng mukha niya kasi naman ayaw niyang tignan kasi baka magbago ang isip niya. Nakapag –usap na kasi sila ng Papa, nangako siya na tutulungan niya  si Kuya Carlos sa kanilang family business. Panahon na siguro na sundin niya ang kagustuhan ng dalawa.

Napatingin ito sa kanya, tamang-tama naman na napadilat si Candice.

“Why?”

“Aron Miguel, kinausap na ako ng Papa, ang sabi niya kung pwede na tulungan ko si Kuya Carlos sa negosyo ng pamilya, nakapag oo na ako.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon