16 The Dance

96.9K 1.1K 30
                                    

“Care to dance, Irog?”

Ayan na naman ang endearment niya! Nasa tagong part lang sila ng garden kaya ok lang sa kanya, kahit naman parehong kaliwa ang mga paa ni Candice, kung ganito ka pogi ang magyayayang sumayaw, keri na niya. Hinawakan ni Aron Miguel ang mga kamay niya at dinala siya sa isang part ng garden kung saan dinig na dinig ang music.

Takte naman! Kinikilig talaga siya ng sobra, pa fall naman kasi itong Irog niya, wagas kung makakilig. Inihilig niya ang ulo niya sa dibdib ng binata, e hanggang dun lang talaga siya, ang tangkad naman kasi nito, bakulaw ika nga, bakulaw sa kaguwapuhan at sa kamachohan niya. Kilig to the bones! She giggled.

Napansin iyon ni Aron Miguel. “What happened to you?” He kissed his hair. Syete! Pa fall talaga itong lalaking ito.

Napangiti ang binata, kakaiba talaga ang babaeng ito. Ang kulit, parang si Alexie na kapatid niya, pero in a different manner, alam nito ang gusto niya, at gagawin ang gusto niya. Napaka childish kung minsan, kung anu-ano ang itinuturo sa mga katrabaho na mga laro at kung anu-anong cartoon programs ang pinapanood. Masyadong matakaw na kabaligtaran ng mga naging girlfriends niya, opps, di nya nga pala ito girlfriend. Totohanin na lang kaya niya?

“Irog?”

Di ito sumagot. Tulog na ba? Eh sumasayaw naman sila.

“Irog?”

“Aron naman eh, wag nga Irog, tumatayo nga ang balahibo ko.” Reklamo ng dalaga.

“Ayaw ko ngang palitan. Hayaan mo ng Irog, cute nga eh.”

“Cute mong mukha mo, si Ruel inaasar ako sa Irog na yan.”

“Naiinggit lang ang taong yun.”

Another sweet music and sumunod kaya sayaw pa rin sila. “Irog?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon