10 Girls

103K 1.1K 18
                                    

Thirty minutes before six ay nasa harap nang unit ni Candice si Aron Miguel. Napailing siya, bakit ba kailangan pang magtrabaho sa kanya ng babaeng ito, mukhang kaya namang bilhin maging ang kompanya nila. May pagka sira ulo talaga. Kumatok siya. Another katok. Walang sumagot o nagbukas man lang. Buzzer. Wala pa rin. Shit! Baka tulog pa ito.

Tinawagan niya ang dalaga. “Hello…that husky voice!

“Ca..Candice, what keeps you so long to open the damn door. I’m in front of your unit.” Nakakadistract naman ang boses nito. Mukhang di pa bumabangon sa kama.

Napabalikwas naman si Candice! Naku! Di tumunog ang alarm niya. Madaling araw na siyang nakatulog sa kakaisip ng mangyayari ngayon, and worse, outside her unit is her boss. Lagot talaga, tinignan niya ang wall clock, 5:30am, 30 minutes na lang.

Dali-daling pinagbuksan niya ito ng pinto. Nakalimutan na niya ang ayos niya, as in straight from the bed ay tumayo, este tumakbo siya papuntang pintuan para pagbuksan si Aron Miguel.

“Sir! Naku, sorry, pasok, pasensiya na, di ako ginising ng alarm ko.”

Nalaglag naman ang panga ni Aron Miguel, is this lady in front of her aware of what she wears and how she looks like this morning.

Suot lang nito ay isang yellow oversized T-shirt na may malaking smiley print, konti na lang ay makikita mo na ang underwear nito, kung meron man, alam niyang wala itong bra. Maliit man ang hinaharap nito pero alam mong she got the good shape. Hell! Magulo ang buhok nito, pero very attractive pa rin. Bigla naramdaman niyang part of him reacted.

Nanlaki naman ang mga mata ni Candice ng marealize kung anong itsura niya. Napatakbo tuloy siya. “Sorry, close the door please.” Narinig pa niya ang sigaw nito.

“Nakakahiya ka Candice”  Sabi nito sa sarili. Natawa tuloy si Aron Miguel, what a nice morning.

Hiyang-hiya naman si Candice sa itsura niya, nakita na tuloy siya ni Aron Miguel ang worst look niya, ni hindi pa nga siya nagtotoothbrush nung humarap siya. Napangiwi siya, nakakahiya talaga. Bakit ba napapalpak siya pag ganitong kaharap niya ang binata. Kailangan niyang bilisan ang pagkilos, late na nga siya, magtatagal pa siya. She just simply took a quick shower, applied a powder on her face, lip gloss, she just wore a walking shorts, a yellow t-shirt, a yellow converse shoes and her favorite spongebob backpack. Sinipat niya ang sarili sa salamin, mukhang okay naman ang itsura niya. Maikli naman kasi ang buhok niya, di naman unruly kaya okay lang.

So eksaktong alas sais ay ready na siya.

“hi.” Bati niya ulit kay Aron Miguel na noon ay nakatingin sa napakalaking abstract painting na nasa sala niya. It was her who painted it.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon