34 The Decision

77.4K 799 26
                                    

Just wanted to promote my story He’s In Control, it will soon be published under LIB, so, if hindi nyo pa nababasa, hala, basahin na habang nadirito pa! Adik ano? Thanks…Then mag start na ang BOOK 2 nito, may konting additional chapters lang siguro from the old Book 2, naks!

******

Napahinto si Candice mula sa pagpasok sa pintuan ng hospital. Narinig niya kasi ang pangalan niya na binanggit ng nobyo. Actually, kung lilingon ang tatlong tao na nandun ay makikita nila ang dalaga na nakatayo.

“Tom.” Mahina, pero dinig na dinig niya ang pagtawag ng nobyo sa pangalan ng anak. Hirap na hirap kasi ang bata.

“Di pwde ang hinihingi mo.  Di ba inexplain naman ng Daddy kung sino si Tita Candice.” Narinig niya ang mahinahon na boses ni Aron Miguel. She was curious then, bakit, ano ba ang hinihingi ni Tom sa ama?

“Di po ba mabait naman po si Tita Candice, Daddy?”

“Oo, mabait, pero mahirap yung hinihingi mo anak.” Di naman niya naririnig na nagsalita si Thalia. Mukhang kailangan na niyang magparamdam na nandun siya dahil seryosong-seryoso ang tatlo. At mukhang kailangan na rin niyang sabihin na ok lang, dahil naka pagpromise siya kay Nicolo ng kahit na ano.

“At ano ang gustong hingin ni Tom?” Nakangiti niyang bati sa tatlo. “Good morning!”

Napatayo si Aron Miguel. “Candice. Kanina ka pa jan?”

“Hindi naman, but I heard that Tom wants something. I promised you that I’ll grant a wish right? So ano yun?” Nakangiti pa rin siya. Habang hindi niya napansin na walang kangiti-ngiti sa mukha ng nobyo.

Hirap na ngumiti si Tom. “I told you Daddy, ok lang kay Tita Candice.”

“Pero….

“Ano yung gusto mo Tom?” Lumapit siya sa bata.

Hirap na nag explain ito. “ Sabi ko kay Daddy na Mommy Thalia and him will get married para I will have a mom and a dad and they will be together.”

Nanlaki ang mga mata ni Candice.

“No, that  can’t be Tom.” Aron Miguel said.

Biglang tumulo ang mga luha ni Tom. “But she promised me! Di ba Tita Candice, pwde naman yun di ba? Di ba pwde naman naming hiramin ni Mommy si Daddy? I want to have a family.”

“Tom…pwde naman kayong maging family kahit pa hindi magpakasal sina Mommy mo at Daddy.” She said.

Thalia spoke.  Napatingin siya rito. Subalit lumapit lang ito sa anak. “Tom, please don’t cry, di ba sabi ng doctor di ka dapat ma stress.”

Anong ma stress! Ako ang na iistress! Sa isip ni Candice.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon