12 Ruel and Candice

101K 1.1K 26
                                    

Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Candice, paano ba naman, kinikilig siya sa tawagan nila ni Aron Miguel, bakit naman kasi ang corny nito, pero kahit na, kinikilig pa rin siya, at sa sobrang kilig ay tinawagan niya ang kanyang dalawang bestfriends para mag update ng status niya.

“Labas naman tayo girl, Sunday naman bukas di ba?” Yaya niya kina Kathryn at Loise. So, as usual, nagkita na naman sila sa paborito nilang bar.

Niyaya naman ni Ruel na lumabas si Aron Miguel, pakonti-konti lang naman ang inum nila, hindi na nila kasama si Marcus, masyado na itong under de saya sa kapatid niyang si Alexie, ito namang kapatid niya, dapat hinahayaan rin nitong mag hapi -hapi ang kaibigan. Pinag-uusapan nila si Candice, pinapaintindi ni Aron Miguel sa kaibigan na talagang nagkukunwari lang sila ng dalaga, alam niya kasing ito lang ang isa sa makakaintindi sa kanya, kapag sila ni Marcus ay nagkaroon ng time, mag eexplain din siya rito.

“So you mean, yung na meet ko dati na PA mo, sa mismong bar rin na ito ay si Candice na pinakilala mong Irog mo sa Mama at Papa mo?”

“Pare naman, cut the Irog thing.”

“Eh baduy ka kasi pare. So, tama ba ako?”

“Oo nga, ang hina mo, kanina ko pa pinapaintindi sayo yan.”

“So, yung PA mo na nakita ko dati, yun talaga si Candice na Irog mo?”

“Pauulit-ulit na tayo Pare, parang may tama ka na.”

“Pewera biro pare?”

Sasagot pa sana siya ng mahagip ng mga mata niya ang grupo nina Candice na papasok ng bar na yun. Nakita rin siya ng mga kabarkada nito.

“Hi Aron Miguel, right? We’ve met  before. Can you still remember us?” Si Loise.

“But of course ladies.” Si Ruel ang sumagot para sa kanya. “How can I forget such beauties? Have a seat.” Nasa kay Candice ang mga mata nito. Siya rin ba ang nakita niya sa isang pizza food chain sa mall.

“Hi Candice, how are you?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon