Book II-9

71.3K 903 32
                                    

Ilang minuto na bang nakatitig si Aron Miguel sa mukha ni Candice? Lima, sampu, actually, isang oras na. ISang oras na siyang nakatingin at minamasdan ang babaeng pinakamamahal niya. How ironic, ang lapit lapit na nito ngayon sa kanya pero natatakot siyang hawakan ito. Natatakot siya na baka mawala na naman siya.

He remembered when Owa told him na ikakasal na ito sa kasintahang si Loise na alam niyang bestfriend ni Candice, at kinukuha siyang isa sa mga groomsmen. Ang sabi niya, papaya siya if si Candice ang magiging partner niya, it was just a joke, nagulat na lamang siya nung maipadala ang invitation sa kanya at talagang pangalan ni Candice Manlotoc ang nandun.

Akala niya rin na hindi ito uuwi ng Pinas, pero laking tuwa niya nung bumalik, yun nga lang, kasama nito si Marvin yata, na nobyo nito. Selos na selos siya sa dalawa, pero hindi talaga niya maintindihan yung feeling na parang may mali. Parang something is being hidden from him.

Sabihin na nating may nobyo na ito, pero gagawin niya ang lahat para bumalik si Candice si kanya. Kahit pa siguro aagawin niya ito kay Arvin, Arvin ba? Di talaga niya maalala o ayaw niyang alalahanin ang pangalan ng bago nitong boyfriend. Laki kaya ng lamang niya dun? Ang lamang lang nito, sila ni Candice ngayon. Pero alam niya, sa mga reaction pa lang ng Irog niya sa tuwing hahawakan at hahalikan niya ito, alam niya, deep inside may pag-asa pa sila. Tiwala lang Aron Miguel!

Biglang gumalaw si Candice, magigising na yata. He had ordered soup from the resort. Anytime na magi gising ang dalaga ay ipapadeliver niya ito.

Gising na si Candice. Ang unang nakita niya ay ang mukha ni Aron Miguel? Bakit andito si Aron Miguel? Nananaginip ba siya? Anong oras na ba?

“Aron Miguel?”

“Yes. Nagugutom ka ba?” Malumanay na tanong nito sa kanya.

“Nasaan ako? Bakit wala si Elvin?” Nagtataakang tanong niya.

“Nasa cottage ko.”

“Bakit?”

“Remember the dare? You need to be here with me.” Paalala ni Aron Miguel sa kanya.

“Dare? Wala akong naalala.” Bumangon na siya. Sa totoo lang, naaalala na niya ang dare pero nahihiya naman siyang aminin. Napatingin sa paligid ng cottage nito. Pagkatapos nanlaki ang mga mata?

“Bakit anjan ang picture ko?” Ang laki ng picture niya na nakasabit sa kuwarto nito. Meron din silang magkasama na dalawa, nung lumingon siya sa kabilang side meron rin. “Sa resort pa ba tayo?”

“Yes. Sa akin ang cottage na to.” Aron Miguel got the soup he ordered. Kakailanganin iyon ng dalaga. Ipinatong niya ito sa bedside table.

“Ganun? Paanong nangyari yun?” At paanong nangyaring ang mga pictures nila ay nanjan? Nakasabit!

“I am a part owner of this resort. Binili ko nung umalis ka. Marami kasing memories ang resort na to.” HE gave a sigh. “I don’t know why you can’t remember anymore. Hinihintay kong maalala mo man lang kahit ang araw na to, pero wala.” Malungkot na sabi nito.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon