20 Dyanne

93.4K 985 24
                                    

 Para sa aking bagong reader na inubos yata ang mga stories ko sa kakabasa...salamat ng marami!

*********

Nakamukmok lang si Ruel sa unit niya. Tinatamad siyang lumabas, di katulad dati. Tinawagan nga siya ni Marcus. Wala raw si Alexie na asawa nito, kaya pwde silang mag hapi-hapi, pero tumanggi siya, kaya inasar siya ni Marcus na may lagnat raw.

Sa talagang wala siyang gana. Potek naman kasi. Naiinis na rin siya sa sarili niya, di niya maintindihan. Kanina, tinawagan siya ng isa sa mga flings niya, si Didi, pero wala, di tumalab ang paglalandi sa kanya. Dati rati kapag may babaeng lumapit, tuka agad, ngayon, nawalan siya ng gana. Mas pinili pa niyang matulog sa pad niya, mamaya na siya papasok sa opisina, nandun naman ang kanyang assistant pati ang kapatid niya.

Pero di rin siya nakatiis, nagbihis at parang walang iniisip na pumunta sa direksiyong alam niyang makaka buo ng araw niya.

*****

Wala naman masyadong gawain sa office, wala si Aron Miguel, kasama nito si Allen, may pupuntahan sila at ayaw nito na sumama si Candice dahil puro barako raw dun, masyado naman kasing overprotective ang boss niya.

Dahil pwdeng maglaro ay yun ang inatupag ni Candice, kung hindi ay mababagot siya, tapos na kasi ang mga files na kailangan niyang tapusin.

“Hello Sweetie!” Bati pa lang ni Ruel kay Candice pagkapasok. May dala-dala itong pagkain.

“O? Wala si Aron Miguel.”

“Wala ba?”

“Ano na namang masamang hangin ang nagtulak sayo rito? Napapadalas ka na ah.” Di pa rin tinitigil ni Candice ang paglaro.

“May hinatid lang malapit rito. Yayayain ko sanang gumimik ang Irog mo, pero wala eh.” Pagsisinungaling niya. “Meryenda.” Iniabot nito ang dalang pasalubong.

“Wow naman ha. Ang bait, just wait for Sir, maya-maya lang darating na yun.”

 “Ano ba naman kasi yang nilalaro mo? Ikaw, office hours, kung-anu-anong pinaggagagawa mo. Sa akin, tanggal ka na.”

“Paki mo, ikaw minsan, epal ka talaga. Saka masaya to, gusto mo turuan kita? Akin ng phone mo at iinstall natin.”

Ang kulit talaga ng babaeng ito. Ibinigay niya ang cellphone niya.

“Wow! Latest ha, ok bang ganitong phone? Balak kong palitan na tong sa akin.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon