32 Dinner

74.3K 771 17
                                    

*****

“Please Irog, Mama is requesting if pwede ka naming makasalo sa dinner, Alexie and Marcus will be there too, even Ruel .”

“Sige na nga.”

“Thanks, Irog.”

“Boyfriend? Tom will be there, right?”

“yes Irog.”

“Si Thalia?”

“Ah, Oo.”

“Tapos papupuntahin mo ako eh nandun siya?”

“E kasi sa mansion siya nakatira, Irog.”

Actually, alam naman niya na dun nakatira ang babae, pero kahit papano, maiilang pa rin siya kung makakasalo niya ito sa hapag kainan. Napag-usapan na rin nila yun, ewan ba kung sadyang tanga lang siya o mahal niya lang talaga ang nobyo kaya naintindihan niya ito.

“Please Irog.”

Pero siguro kailangan na rin niyang makita ulit ang babae, para malaman naman nito na ok sila ng Boyfriend niya. O di ba, kailangan talagang ipaalam?

“Sige na nga.”

“Yes! Thanks Irog. Susunduin kita sa mansion around six in the evening.”

“Ok.”

“Love you Irog.”

“Love you too.”

Mas naging extra sweet na ito sa kanya simula ng naging ok sila ulit. Mas madalas na nasa Kidapawan ito kesa sa Davao, madalas na meron siyang flowers and chocolates from him. Ilang spongebob items na rin ang pinapasalubong nito sa kanya.

Pero di niya alam anong magiging outcome ng muli nilang pagkikiita ni Thalia. Di niya alam kung ano ang mararamdaman niya, alam niya na hanggang ngayon ay nagseselos pa rin siya rito. Pero kailangan na siguro nilang magharap.

Naghalfday na lang siya sa office, siyempre naman, kailangan niyang magpaganda, kahit mas matangkad ito sa kanya eh di naman siya magpapatalo sa ganda no. Napangiti siya, ano to, beauty pageant?

Isang yellow mini dress ang isinuot niya, tingin niya naman cute siya dun, sexy na rin. Bigay yun ni Aron Miguel nung mamasyal sila sa Hongkong. She just brushed her hair, put a light make up at nagsuot ng mataas na yellow wedge para terno sa suot niya. At four inches para dagdag sa height niya, dagdag confidence na rin.

Nung nagtext ang nobyo na malapit na siya eh bumaba na siya ng hagdan. As usual, mukha na naman ni Kuya Carlos ang nakita niya, bakit ba madalas ang Kuya niya sa bahay?

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon