Book II-3

75.1K 869 22
                                    

3

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya, alam niya kahit na di niya ito lilingunin kung sino ang may ari ng boses na yun. Bakit ito naririto? Anyare?

“Hi Candice. Welcome back.” Seryosong seryoso ito, he was looking at her intently, nanunuot ang mga tingin, nakakatunaw.  Ilang segundo ring katahimikan, walang nagsalita, wala ni isang nag dare na magsalita. Kahit ang mga tao sa paligid nila ay ayaw ring magreact, marahil hinihintay ang reactions nilang dalawa.

Sumisigaw ang utak ni Candice, bakit nandirito siya, anong ginagawa niya, did she hear it right, Ruel said na siya ang magiging partner nito? Nakakataranta naman! Nagwawala ang sistema niya.

“No!” Bulong lang pero umabot yun sa pandinig ni Aron Miguel.

“Yes.” Seryoso pa ring sabi nito.

“Okay! Kumpleto na ang lahat. Ang saya!” Ang tanging nasabi ni Ruel to break the ice.

“What are you doing here?” She hissed.

“Aattend ng kasal.” Pilosopong sagot nito ni Aron Miguel. Sasagot pa sana si Candice nung biglang magsalita si Loise.

“Hi Candice, Aron Miguel. Hi everyone!”  Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang kasal. Hinila ito ni Candice.

“What is he doing here, Loise?” Tanong niya sa kaibigan. Alam naman nito na ang ex and kahuli-hulihang lalaking gusto niyang makita ngayon, and of all the scenes, bakit ito pa ang partner niya!

“Si Aron Miguel ba?” Patay – malisya nitong tanong. “Siya yung partner mo, di ba?”

“What!” Ano to, joke! Wow! Kung oo, hindi siya natatawa!

“Yah, Di ba nakalagay naman yun sa invitation mo?” Taka ring sagot ni Loise.

“What invitation?”

“Girl, ipinarush ko na nga para maipadala sayo ng maaga sa Canada, very clear naman na nakalagay na ang partner mo ay si Aron Miguel Almensor.”

“I didn’t read it.” Shit! She never bothered to read the invitation, masyado kasi siyang busy nung dumating ito sa kanya.

“I though na okay na sayo, since sabi mo nga may boyfriend ka na, wala naman akong naririnig na violent reaction, and then everytime na ioopen ko yung topic lagi mo akong binabara, so akala ko okay na.”

“May problema ba Babe?” Lumapit na si Elvin sa kanila, parang knight in shining armour lang. Halata kasi sa mukha niya na may problema.

Elvin I need you! Bigla niya itong hinawakan sa kamay, para bang sa kanya lang siya makakakuha ng lakas. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Aron Miguel sa nakikita at narinig.

Babe? Tama bang tinawag nitong Babe si Candice? At tama ba nag nakikita niya na hawag nito ang kamay ng dalaga?

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon