Book II-8

70.9K 854 28
                                    

Hindi sa kanila ni Aron Miguel! Napalingon sa kanya ang binata, narinig yata nito ang malalim niyang bunting-hininga.

Sila kasing dalawa ang gagawa ng dare, since sila ang magpartner, tapos sabay isang shot ng wine.

Isa pa ulit na ikot….

Parang slow motion na ang tingin niya sa bote. Sobrang kinakabahan siya. Bakit ba kasi bumalik-balik pa siya, sana natulog na lamang siya sa cottage nila ni Elvin,  eh di sana wala siya sa awkward situation na to.

Napa yes si Candice! Hindi kasi sila ni Aron Miguel.

Ang mag-asawang Loise at Owa, at ang dare, isang kiss! Ang dali lang naman eh! Mag-asawa na kaya sila, bagong kasal pa.

Ikot ulit….

Ikot…

Ikot…

Sila! Sa kanila nakaturo.

At ang mga walanghiyang kaibigan niya, tuwang-tuwa! Nag-uunahan sa pagbigay ng dare para sa kanila.

At ang naisip ay mahigpit na yakap galing kay Aron Miguel. Tinignan niya ito, wala namang reaksiyon, di niya alam kung ok lang ba sa kanya o hindi. Bakit yakap?

Di na lang halik?

Echos!

Tinignan niya ang binata. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay bigla siya nitong niyakap! Sobrang higpit na parang miss na miss siya nito. Bakit naiiyak na naman siya? Bakit parang seryoso ang pagkakayakap ni Aron Miguel sa kanya, para bang may pinaghuhugutan? Nakakadala ng emosyon. Nakakainis, sobrang senti niya ngayon. Bago naghiwalay ay may ibinulong ito.

“I really missed you Irog.”

Naupo sila ulit at iinumin ang wine. Kinuha lahat ni Aron Miguel pati ang para sa kanya. Tumanggi siya, para isang shot lang.

Isa pa uling ikot. Shit! Sila na naman?

At tuwang-tuwa ulit sina Loise at Kathryn.

Si Loise ang nagbigay ng consequence, isang sayaw, sweet music, at ang dalawa, ready yata dahil may dalang speaker, ikinabit lang sa cellphone at tadannn! May instant sweet music na.

Hindi sila nag-usap na dalawa, tinitignan lamang siya ni Aron Miguel, at siya naman si gaga, hindi makatingin ng direcho sa binata, eh sa iba ang tingin nito! Hindi niya matagalan, para bang ang daming gustong sabihin sa kanya, parang ang daming gustong ipaliwanag. Hindi nga nila namalayan na tapos na ang isang minutong dance dare. Inalalayan pa siya nito na maupo.

Ikot ulit ng bote! Pag minamalas ka nga naman, sila na naman ulit. At si Loise ang nagbigay ng consequence, at ito ay ang ihatid niya mamaya si Aron Miguel sa cottage nito, hangang sa loob.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon