29 Lock the Room

80K 997 16
                                    

Ilang minuto na siyang nakahiga, di makatulog si Candice. Di naman siya sanay kasi ng may katabi. Eto namang katabi niya kampanteng natutulog. Naririnig na niya ang mahinang hilik nito. Bakit ba ang guwapo talaga nito? Mas mahaba pa yata ang mga pilikmata ni Aron Miguel sa kanya. Ang kinis kinis ng mukha, nahiya yata ang pimples na tumubo.

Ang sarap niyang pagmasdan, how she loves this man. Nakatulugan na niya ang ganung posisyon.

Parang ang bigat yata ng katawan niya. When she opened her eyes, nakangiting Aron Miguel ang nakita niya.

Nahiya naman siya, kanina pa ba ito gising at nakatingin lang sa kanya? “Morning Irog.” Then he gave her a smack kiss. He is still hugging her. Ang sarap naman!

“Bangon na Irog, we need to get up and attend the conference. Baka may check attendance, unless na lang you wanted to stay here and….”

“Babangon na! Kainis naman Boyfriend, ang aga-aga.”

“Hahaha! I love you Irog. Any moment darating na yung breakfast natin.”

“I love you too.” Pumasok na siya sa shower room.

*****

Ang dami namang aatend ng conference, it’s the first time that Candice will be attending this kind of event, mahirap nga talagang mag manage ng isang business, now she knows how busy and how pressured was his Kuya during the times na tumatanggi siyang tulungan ito.

Hinawakan naman ng nobyo ang mga kamay niya. Siyempre naman, magkasama sila, tuwing may magpapakilalang young business man laging sinisingit nito na “I’m her boyfriend and we will soon get married.” Seloso lang talaga ha.

Ibang-iba na talaga ito sa Aron Miguel na una niyang nakilala, di na suplado, ang sweet and caring at ang gentleman! Kita nyo naman ha, magkasama sila buong gabi pero nakuntento na ito sa mga halik at yakap.

“Takas tayo, Irog.”

Di naman ito nagcoconcentrate sa sinasabi ng speaker. “Heh! Malapit na kaya itong matapos, tiis na lang Boyfriend.”

Napasimangot ito. Siya naman kasi, bago sa kanya ang ganitong activity, ang dami niyang natutunan.  Halatang ayaw na nitong makinig. “Ikaw, akala ni Tito nakikinig ka rito.”

“Tsss. Kala mo naman ikaw nakikinig din.” Aba!! Pinatulan siya!

“Nakikinig kaya ako, di lang ako makapag concentrate kasi hawak ka ng hawak ng kamay.”

“Ayaw mo?”

“Gusto.” Halos bulong na sagot niya.

****

Pagkabalik ng hotel ay agad itong nagtanong kung may vacant room na. Wala pa rin sabi ng receptionist. Naiinis ito, halata ni Candice.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon