BOOK 1 - End

76.8K 830 46
                                    

End

You had read it right, end na po ito….ng BOOK 1…

****

Minsan kailangan mo talagang pakawalan ang taong mahal mo, kahit masakit, kahit parang madudurog na ang buong pagkatao mo. Sabi nga nila, hindi naman sa lahat ng pagkakataon magiging masaya ka, lahat nga raw ng kasiyahan, may hangganan.

“Mag-iingat ka dun anak ha. Dadalawin ka na lang naming ni Kuya mo, andun naman ang mga pinsan mo, so hindi ka na rin mahihirapan.”

Inihatid siya ng Papa niya at ng Kuya Carlos niya sa airport ng Davao. Mababakas sa mga mukha nito ang lungkot, kahit pa nga kanina pa siya inaasar ng Kuya Carlos niya. Mamimiss niya ng todo ang mga ito, pero siguro, yun ang bagay na kailangan niyang isakripisyo para matapos na ang lahat. Para sa ikatatahimik ng ibang taong mahal niya…o ang totoo, para sa kanya?

Gusto niyang lumayo dahil kapag massyado siyang malapit kay Aron Miguel, mas lalo siyang nasasaktan. Gusto nyang lumayo para hindi na niya ito tanaw at alam niyang hindi niya mapupuntahan kapag namimiss niya, o gusto niyang lumayoo dahil baka magbago pa ang isip niya at bukas ay kung ano pa ang magawa niya.

Bukas kasi…bukas, mawawala na talaga ang natitirang pag-asa para sa kanilang dalawa.

“Candice, huwag kang papagutom dun, kapag kailangan mo ng pera, tumawag ka lang sa amin, kapag gusto mo ng umuwi, magsabi ka para maipasundo kita sa Kuya mo.” Natawa tuloy siya.

“Papa naman, di na  po ako elementary, maliit lang po ako pero kayang-kaya ko na po ang sarili ko.”

“kuuuu, puro ka kalokohan. Sigurado ka na ba sa desisyon mo ha?” Somehow, she knew that her father wanted her to change her mind.

“Opo.” Napatingin siya sa kapatid. Nakatayo lang ito sa likod ng Papa niya. Mamimiss niya ang mga asaran nilang dalawa. Malulungkot tiyak siya.

“kuya, alagaan mo ang Papa ha, huwag puro babae ang asikasuhin mo.” Gusto niyang magbiro para maging light ang atmosphere.

“Candice, may time pa para mag backout.”

Mapait na ngumiti si Candice. “Tigilan mo nga ako Kuya!”

“Di naman kayo nag-usap na aalis ka ngayon di ba?” Alam niyang ang tinutukoy nito ay si Aron Miguel.

Hindi nga, hindi sila nag-usap ni Aron Miguel na ngayon ang alis niya papuntang Canada. Pero alam niyang bukas na ang kasal nito kay Thalia. Ayaw niya itong makita, ni ayaw niyang isipin na malapit lang siya sa lugar, baka kasi pupunta siya at pigilan sila.

Ngayon siya aalis, mas napaaga, pero kailangan, di na kasi niya kakayanin ang sakit pag tatagal pa siya. Ilang beses ba itong nakiusap sa kanya? Ilang beses pumunta sa mansion upang kumbinsihin siyang magbago ang isip. Pero walang nangyari.

Ilang tao ba ang nagpasalamat sa naging desisyon niya? Si Thalia, si Tom, ang Mama at Papa ni Aron Miguel.

Sino lang ba ang tumutol…..si Aron Miguel….

Pero sa huli….

Sumuko rin ito….

Lalo na at di na talaga nakikitaan ng pagbabago ang kundisyon ni Tom…

At ngayon paalis na nga siya….

Wala ng pag-asa para sa kanila…

Narinig niyang last call na para sa kanya. Umiiyak na niyakap niya ang kanyang ama at si Kuya Carlos niya.

“Take care Princess.”

“ I will, I love you Pa, Kuya.” Duon na tumulo yung mga luha niya. Nakakainis naman, hindi ba dapat huwag siyang umiyak? Dadalawin naman siya ng mga ito sa Canada, di ba?

“Tumawag ka kapag nakarating ka na ha. Ihanap mo na lamang ako ng mapapangasawa ko dun.”

Nung nasa eroplano na siya ay huminga siya ng malalim. This is it! Totohanan na talaga. Wala na silang pag-asa ni Aron Miguel. Ang saklap naman ng love story nila. Yung tipong kahit gusto mo mang ipaglaban ay hindi mo magawa. Sana kapag nagtagal siya sa pupuntahan niya, makakakalimutan niya rin ang binata. PEro paano?

Bahala na. Sa ngayon, ang tanging gusto niya ay lumayo.

“Goodbye Aron Miguel Almensor. I love you.”

-END OF BOOK 1-

************************************************************************************

----“A good story should make you laugh, and a moment later break your heart.”
― Chuck Palahniuk, Stranger Than Fiction

 

“Writing is something you do alone. Its a profession for introverts who want to tell you a story but don't want to make eye contact while doing it.”
― John Green

 

Salamat sa lahat! See you soon……Xian!

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon