Book II-4

77.4K 975 68
                                    

4

Hindi pa rin binibitawan ni Aron Miguel ang kamay niya. “Let go of my hand.” She whispered.

He didn’t look at her, but he didn’t also let go of her hand. Parang timang lang silang dalawa. Tuloy ngingiti-ngiti ang mga taong may alam ng nakaraan nilang dalawa, si Ruel at si Kathryn. Nung tinignan niya si Elvin, nakangiti pa rin ito. Nung napasulyap sa kanya, binigyan niya ito ng isang nakakamatay na tingin, kaya tuloy nawala ang ngiti nito.

“Magseselos ng Babe ko, ano ba.” Naisip niyang pang alibi si Elvin. Tama naman di ba? Hindi Gawain ng matinong babae na kasama ang boyfriend ngayon ang makipag holding hands sa kanyang ex!

“So? Siya ba ang partner mo? Ako naman, hindi ba?” Balewalang sagot nito. Ni hindi man lang sumusulyap sa kanya. Walanghiya talaga itong lalaking ito. TEka! Bakit nga pala naging isa ito sa mga grooms men kung may asawa na ito? At bakit hindi nito kasama si Thalia at Tom? Curiousity rises to itthe nth power!

Tumahimik na lang siya, maglalakad na kasi si Loise papunta sa kanyang groom. Nung kumanta na ang singer at lumakad ang kaibigan papuntang altar ay di niya napigilan ang mga luha. Yun ang kantang pinag-usapan nilang itutugtog kapag ikakasal sila. Hangang ni Wency Cornejo.

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,

hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal
,

Naramdaman niyang pinisil ni Aron Miguel ang mga kamay niya. Mas lalo tuloy tumulo ang luha niya. Kung hindi ba dumating si Thalia sa relasyon nila, ikinasal na kaya sila?

Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daig-dig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ika'y iniibig

Bwisit! Bakit naiwan niya pa ang panyo niya kay Elvin, ipinahawak niya ito sa binata kanina. Iniabot ni Aron Miguel ang panyo niya kay Candice.

“Salamat.”

Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin,
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Umiiyak na rin ang bride, tuloy nahawa na ang ibang mga bisita. Pero siya yata ang pinakaapektado. Bakit ba akala niya naka moved on na siya? Hindi pa pala. Bakit ba mahirap kalimuan ang taong nasa tabi niya ngayon. Bakit nangyari na hindi pwdeng maging sila? Ang daming bakit.

“Bakit ka lumayo? Bakit ka umalis ng walang paalam?” Biglang itinanong iyon ni Aron Miguel sa kanya.

Shit! Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Wag ngayon please.  Sa isip niya.

Hanggang may puso akong
Marunong mag mahal
Na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan kita mahal
Hanggang ang buhay ko'y
Kunin ng may kapal

 

“Why did you give up, Candice?” Ulit nito.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon