18 Ligaw Pa Rin

92.6K 1K 21
                                    

May sino sort out na documents si Candice ng mag ring ang intercom.

“Yes Sir?”

 “It’s 12:00 noon already, let’s have our lunch date now.”

“Lunch date?”

Nakalimutan ba niya ang pinag-usapan namin? “Lunch break na, kakain tayo ng sabay, di ba?”

“Ahhhhh. Oo nga, hinihintay kita.”

 

Hinihintay niya ako? Ako ba dapat pumunta sa kanya at sabihin kung ok na ba na maglunch na kami? Or siya? Langya naman! Ganito pala dumiskarte?

 

Wala pang isang minuto, Segundo pa lang ha, lumabas na si Aron Miguel ng opisina niya. “Sorry, I thought I will be waiting for you.”

Tinaasan lang siya ni Candice ng kilay.

“Shall we, Irog?” Agad na lumingon si Candice kay Allen. Nakahinga siya ng maluwag ng wala ang binata at nauna ng mag lunch break sa kanya. Ang corny ng tawag kasi ni Aron Miguel, pero, in fairness, nasasanay na siya, kinikilig na siya.

“Where do you like to eat?” Tatanungin lagi ang babae kung saan niya gusto, wag magdedecide mag-isa, yun ang isang turo ni Ruel.

“Sa canteen na lang, ayokong malate sa work.”

“Ako naman ang kasama mo ah.”

“Remember, nasa work tayo.”

Napasimangot siya. “Lagi na lang yan ang reason mo. C’mon, let’s eat.”

“San tayo kakain?”

Bakit niya ako tinatanong? Di ba dapat siya tatanungin ko?

 

“Ano bang gusto mong kainin?” Lambing niya sa dalaga.

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon